Toni Fowler, pinagtanggol si Paye sa nagsabing feelingera ito

Toni Fowler, pinagtanggol si Paye sa nagsabing feelingera ito

- Binahagi ni Toni Fowler ang kanyang sagot sa isang netizen na nagsabing feelingera daw si Paye

- Sinabi nito na may binanggit pa si Paye na pangalan ng artista na aniya ay natural beauty kung ikukumpara sa kanya

- Dagdag pa niya, walang karapatan si Paye na gawin ito sa mga ibang artista na aniya pa ay ni-name drop ni Paye

- Sagot naman ni Toni, sa dami ng oras nito sa pagkomento ay wala itong oras para tingnan kung talaga bang may post si Paye tungkol dito

Sinagot ni Toni Fowler ang isang netizen na nagsabing feelingera si Paye Galang. Kaugnay ito sa umano'y pandadamay ni Paye ng artistang anito ay natural beauty kung ikukumpara sa kanya.

Toni Fowler, pinagtanggol si Paye sa nagsabing feelingera ito
Toni Fowler, pinagtanggol si Paye sa nagsabing feelingera ito
Source: Facebook

Sa kanyang Innstagram story, binahagi ni Toni ang kanyang naging sagot sa akusasyong ito laban kay Paye. Aniya may oras pa daw sa pagkomento ang naturang netizen pero wala itong oras para tingnan kung talaga bang may post si Paye tungkol dito.

Read also

Gabby Eigenmann: "May sinabi si Andi na 'Uwi na tayo Nanay'"

Toni Fowler, pinagtanggol si Paye sa nagsabing feelingera ito
Toni Fowler, pinagtanggol si Paye sa nagsabing feelingera ito
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Paye Galang ay isa sa mga kasama nina Toni Fowler sa ToRo Family. Bukod sa kilala bilang kapatid ni Papi Galang, Nagtatrabaho din si Paye sa Fab, ang skin care company na pagmama-ari nina Toni.

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukan kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari. Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis. Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila.

Read also

Gabby Eigenmann, hindi na nabati ni Jaclyn Jose sa kanyang kaarawan noong March 2

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakialaman lahat ng desisyon niya. Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni. Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel