Mayor Albee Benitez, sinabing nilagyan lang ng malisya ang 'chance encounter' nila ni Ivana

Mayor Albee Benitez, sinabing nilagyan lang ng malisya ang 'chance encounter' nila ni Ivana

- Binasag ni Bacolod City Mayor Albee Benitez ang kanyang katahimikan tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Ivana Alawi

- Humingi siya ng dispensa kay Ivana at sa pamilya nito na aniya ay nadadawit sa isyu

- Aniya, nilagyan lamang ng malisya ang chance encounter nila ni Ivana sa airport na siyang kumalat online

- Nilinaw niyang walang katotohanan ang mga lumabas na espikulasyon upang wala nang madamay at masaktan sa kumakalat na isyung ito

Humingi ng dispensa si Bacolod City Mayor Albee Benitez kay Ivana Alawi. Nilinaw niya ang tungkol sa kumalat na video kung saan namataan siya at gayundin si Ivana sa airport.

Mayor Albee Benitez, sinabing nilagyan lang ng malisya ang 'chance encounter' nila ni Ivana
Mayor Albee Benitez, sinabing nilagyan lang ng malisya ang 'chance encounter' nila ni Ivana
Source: Instagram

Aniya, business trip ang dahilan ng kanyang pagpunta sa Tokyo.

I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order.

Read also

Javi Benitez, umani ng papuri sa kanyang mensahe sa ina

Nilagyan lang daw ng malisya ang aniya'y chance encounter nila ni Ivana.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter.

Bukod sa paghingi ng dispensa, mariin din niyang pinabulaanan ang mga haka-haka tungkol sa kanila.

I apologize to Ms Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life. There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them.

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Read also

Bea and Dominic: "Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent"

Kamakailan ay kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel