Javi Benitez, umani ng papuri sa kanyang mensahe sa ina

Javi Benitez, umani ng papuri sa kanyang mensahe sa ina

- Nagbahagi si Javi Benitez ng mensahe para sa kanyang inang si Nikki Benitez

- Sa kanyang post, binahagi ni Javi ang kanyang pasasalamat sa kanyang ina sa lahat ng nagawa daw nito para sa kanilang pamilya

- Alam daw nila kung gaano ito nag-sacrifice para sa kanila ng kapatid niyang si Bettina

- Marami ang humanga kay Mayor Javi dahil sapagpapahayag nito ng kanyang suporta sa kanyang ina sa gitna ng pinagdadaanan nila

Pinasalamatan ni Mayor Javi Benitez ang kanyang ina sa aniya'y sacrifice nito para sa kanila ng kapatid niya. Aniya, habangbuhay siyang magpapasalamat sa ina.

Javi Benitez, umani ng papuri sa kanyang mensahe sa ina
Javi Benitez, umani ng papuri sa kanyang mensahe sa ina
Source: Facebook

Sa kanyang post, ibinahagi niya ang picture nila ng ina kalakip ang mensahe ng kanyang pasasalamat.

Hindi niya naipagkailang maging siya ay nagulat dahil aniya ay hindi nila napag-uusapan nang pribado ang tungkol sa bagay na hindi na din niya binanggit kung ano. Gayunpaman, nabanggit ng kanyang ina na hindi totoong hiwalay na sila ng asawa at wala daw silang napag-usapan tungkol dito.

Read also

Javi Benitez, usap-usapan dahil sa binahaging laughing emoji

Binahagi ni Javi ang kanyang pasasalamat sa kanyang ina sa lahat ng nagawa daw nito para sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

We're as shocked as everyone because this wasn't spoken about in private, but mom I want you to know that I thank you and love you for all that you have done for our family. We know how much you have sacrificed for me and Bettina. I am eternally grateful.

Si Javi Benitez ay kasalukuyang mayor ng Victorias City sa Negors Occidental. Anak siya ng Bacolod city Mayor na si Albee Benitez na kilala din bilang prodyuser ng Brightlight Productions. Si Javi ang kasintahan ng aktres na si Sue Ramirez.

Matatandaang pinabulaanan ng asawa ni Albee Benitez na si Nikki Benitez ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Sa kanyang statement na pinadala sa media, sinabi niyang walang naging pag-uusap tungkol sa paghihiwalay o annulment ng kanilang kasal. Iginiit niyang naninirahan silang mag-asawa sa iisang bubong sa loob ng 31 na taon.

Read also

Papi Galang, pumunta sa endorsement photoshoot ng Toro family

Naglabas din si Mayor Albee ng stament kamakailan kaugnay sa pagkaka-link niya sa isang sikat na personalidad. Matatandaang lumabas ang bali-balitang ito matapos umanong mamataan silang magkasama papuntang ibang bansa. Hindi naman binaggit ni Mayor Albee kung sino ang personalidad na ito. Humiling ng pang-unawa at respeto sa kanilang privasy ang alkalde ng Bacolod para daw hindi madamay ang aniya'y 'innocent parties involved.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel