Bea and Dominic: "Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent"

Bea and Dominic: "Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent"

- Nagsalita na mismo sina Bea Alonzo at Dominic Roque tungkol sa napapabalita nilang hiwalayan

- Sa painagsama nilang pahayag, kinumpirma ng dalawa ang kinahinatnan ng kanilang engagement

- Nabanggit din sa naturang post ang tungkol sa ilang taong nagkumpirma ng hiwalayan ng wala nilang pahintulot

- Habang ang iba naman ay naglalabas ng kabi-kabila umanong kwento na walang basehan at wala umanong katotohanan

Naglabas na mismo ng kanilang pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque patungkol sa ilang araw nang napapabalita nilang hiwalayan.

Bea and Dominic: "Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent"
Bea and Dominic (Bea Alonzo FB)
Source: Facebook

Sa kanilang post, inamin ng dalawa na hindi ito naging madali ngunit mutual ang desisyong tapusin na ang kanilang engagement.

"After much thought consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement. It was not an easy decision. We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults"

Read also

Bea at Dominic: "We have mutually decided to amicably end our engagement"

Nabanggit din nila ang tungkol umano sa mga taong nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang walang "consent" maging ang ilan din na naglabas ng kabi-kabilang istorya na walang basehan at walang katotohanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Unfortunately, some even confrmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families."

Hiling nila ang respeto sa kanilang privacy sa mga panahong ito kung saan labis umano silang nasasaktan sa mga pangyayari.

Narito ang kabuuan ng kanilang post:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read also

Kim Chiu at Gerald Anderson, trending matapos ang EXpecially For You episode ngayong araw

Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang Fast Talk with Boy Abunda. Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel