Bea at Dominic: "We have mutually decided to amicably end our engagement"

Bea at Dominic: "We have mutually decided to amicably end our engagement"

- Naglabas na ng kanilang pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque patungkol sa kinahinatnan ng kanilang engagement

- Mutual umano ang kanilang desisyong ito at aminadong hindi ito naging madali para sa kanila

- Nabanggit din nila ang ilang taong nagkumpirma ng kanila umanong breakup nang walang pahintulot sa kanila

- Matatandaang matapos si Ogie Diaz, sumegunda umano si Boy Abunda sa paglalahad ng umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic Roque

Matapos ang ilang araw ng kabi-kabilang espekulasyon tungkol sa kanilang engagement, naglabas na ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Bea at Dominic: "We have mutually decided to amicably end our engagement"
Bea at Dominic (@dominicroque)
Source: Instagram

Sa post ni Bea kung saan kasama na rin umano si Dominic, sila na mismo ang nagkumpirma ng pagtatapos ng kanilang engagement.

"After much thought consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement. It was not an easy decision. We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults."

Read also

Ogie Diaz, nabanggit ang halaga ng engagement ring ni Bea mula kay Dom: "3 million pesos"

Nabanggit din nila ang mga taong nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala umano nilang pahintulot.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families."

Hiling din nina Bea at Dominic ang privacy sa panahong ito na nilarawan nilang "extremely painful" at irespeto ang kani-kaniyang panig sa naging desisyon nilang ito.

Narito ang kabuuan ng naturang post:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read also

Kim Chiu at Gerald Anderson, trending matapos ang EXpecially For You episode ngayong araw

Nito lamang Pebrero 6, gumawa ng ingay si Boy Abunda nang 'di umano'y kumpirmahin niya ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel