Cristy, nausisa umano nina Sen. Raffy at Sen. Jinggoy ukol sa hiwalayan ng BeaDom

Cristy, nausisa umano nina Sen. Raffy at Sen. Jinggoy ukol sa hiwalayan ng BeaDom

- Maging ang mga senador ng bansa na sina Senator Raffy Tulfo at Senator Jinggoy Estrada ay nakiusisa 'di umano ukol sa hiwalayang BeaDom

- Ayon kay Cristy Fermin, natanong na rin umano siya ng mga senador na ito gayung marami na rin daw ang nagtatanong sa kanila

- Ito ay matapos na maibahagi nina Cristy sa SNN ang tungkol di umano sa pulitikong may-ari ng condo unit ni Dominic

- Nito lamang Pebrero 11, kinupirma nina Bea at Dominic Roque ang kinahinatnan ng kanilang engagement

Isa sa naikwento ni Cristy Fermin sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Now Na! channel ay ang tungkol pag-usisa sa kanya 'di umano nina Senator Raffy Tulfo at Senator Jinggoy Estrada tungkol sa sinapit ng relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Cristy, nausisa umano nina Sen. Raffy at Sen.Jinggoy ukol sa hiwalayan ng BeaDom
Dominic Roque and Bea Alonzo (Bea Alonzo)
Source: Facebook

Ayon sa dalawang nasabing senador at, marami na rin ang nagtatanong sa kanila buhat nang maibahagi ni Cristy ang tungkol umano sa pulitikong may-ari ng condo ni Dominic.

Read also

Dominic Roque, madalas umanong magkulong sa condo ayon sa source ni Ogie Diaz

"Alam niyo po si Senator Raffy Tulfo at si Senator Jingoy Estrada at marami pa pong pulitiko agad-agad na tumawag sa akin. Nanay, sino ba itong pulitiko na nasangkot sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque? Hahahaha lang lagi ang sagot ko."
"Sige na, kami ang kinukulit ng mga kapwa namin pulitiko. Ano ba sabihin mo na... Secret lang natin," ayon daw sa mga senador.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Alam mo naman ang tinatawag na off the record, kapag meron tayong pinagsabihan na isa, hindi na po yan off the record. Ang tunay na off the record yung talagang inalagaan nating impormasyon. Wala tayong sinabihan.," paliwanag naman ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read also

Ogie Diaz: "Sabi ng aking source galante si Dominic kay Bea"

Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang Fast Talk with Boy Abunda. Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

At nito lamang Pebrero 11, naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kanilang kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel