Ogie Diaz, natutuwa sa JuRald: "Hindi sila nagtatanim ng sama ng loob"

Ogie Diaz, natutuwa sa JuRald: "Hindi sila nagtatanim ng sama ng loob"

- Hayagang nasabi ni Ogie Diaz na natutuwa siya kina Julia Barretto at Gerald Anderson

- Nabanggit din niyang nanonood ang mga ito ng kanyang Ogie Diaz Showbiz Update channel

- Aniya, anuman ang maibalita nila tungkol sa JuRald, hindi raw ito 'namemersonal'

- 2021 nang kumpirmahin nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon na going strong umano hanggang ngayon

Natutuwa raw umano si Ogie Diaz sa showbiz couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Ogie Diaz, natutuwa sa JuRald: "Hindi sila nagtatanim ng sama ng loob"
Gerald Anderson, Ogie Diaz and Julia Barretto (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Youtube

Kamakailan ay nakasama niya ang mga ito sa pagbisita sa labi ng producer na si Deo Endrinal.

Ikinuwento ni Ogie kung paano siya makulit na kinastigo ni Julia sa mga naibabalita nila tungkol sa kanya.

"Nakakatuwa si Julia. Lagi siyang 'o ano na namang ibabalita niyo sa amin? Kami pa rin'. Kasi lagi silang nanonood ng Ogie Diaz Showbiz Update"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Aiko Melendez: "Mader Ogie Diaz kahit manager kita please layuan mo muna kami"

Iyan umano ang dahilan kung bakit kahanga-hanga ang dalawa sa kabila ng iba't ibang isyung naididikit sa kanila.

"'Yan ang nakakatuwa sa dalawang 'yan. Maganda man o hindi maganda 'yung ibinabalita namin tungkol sa kanila, e hindi sila nagtatanim ng sama ng loob. Bagkus, nakikipag-asaran pa sa amin. Hindi namemersonal"
"Basta ako ay natutuwa kay Julia at Gerald. Kasi sa dami ng ibinabalita natin dito, hindi nila nagagawang magalit sa atin. Samantalang 'yung iba..."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Gerald Anderson ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Matatandaang una niyang nakapareha si Kim Chiu na mula rin sa nasabing programa. Bago ang kasakulukuyang relasyon niya kay Julia Barretto, matatandaang naging kontrobersyal ang naging pagtatapos ng relasyon niya kay Bea Alonzo.

Sa naging interview ni Isko Moreno kay Gerald, nabanggit niyang kasama umano ang pagpapakasal kay Julia sa kanyang five-year plan. Ganoon na lamang din ang papuri nito kay Julia na aniya'y napakasaya at napakagaang kasama bilang karelasyon.

Read also

Dominic Roque, madalas umanong magkulong sa condo ayon sa source ni Ogie Diaz

Matatandaang naging kontrobersyal din ang umano'y pagtatapos ng relasyon ni Gerald kay Bea Alonzo. Gayunpaman, nagkaroon naman sila ng kani-kanilang mga karelasyon matapos ang kanila noong hiwalayan na naging usap-usapan dahil umano sa salitang 'ghosting.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel