Mickey Ablan: "Your Two Mommies @jannadominguez77 and @iam_iwa loves you so much Yza"

Mickey Ablan: "Your Two Mommies @jannadominguez77 and @iam_iwa loves you so much Yza"

- Pinasalamatan ni Mickey Ablan si Iwa Moto sa pagbisita nito at pagdala ng regalo para sa namayapang anak na si Yzabel Ablan

- Base sa post ay Funko Pop ang iniregalo ni Iwa sa anak ng ex niya na itinuring din niyang parang tunay niyang anak

- Ayon pa kay Mickey, mahal na mahal si Yza ng kanyang dalawang mommies na sina Iwa at Janna Dominguez

- Matatandaang sa pagpanaw ni Yzabel, labis labis din ang pagluluksa ni Iwa

Nagpasalamat si Mickey Ablan kay Iwa Moto sa pagbisita nito at pagdala niya ng regalo para sa anak niyang si Yzabel Ablan. Ani Mickey, mahal na mahal si Yza ng kanyang dalawang mommies na sina Iwa at Janna Dominguez.

Mickey Ablan: "Your Two Mommies @jannadominguez77 and @iam_iwa loves you so much Yza"
Mickey Ablan: "Your Two Mommies @jannadominguez77 and @iam_iwa loves you so much Yza"
Source: Instagram
Thanks @iam_iwa for the Visit and Toy for Ate @yzaablan Your Two Mommy's @jannadominguez77 and @iam_iwa Loves you so much Yza Specially me Daddy I Iove you Yza

Read also

Dominic Roque, madalas umanong magkulong sa condo ayon sa source ni Ogie Diaz

Matatandaang labis-labis ang epekto ng pagpanaw ni Yza kay Iwa na naging malapit din sa kanya nang maging karelasyon ni Iwa ang ama nitong si Mickey. Naging malapit din si Yza sa kasalukuyang asawa ng ama niya na si Janna.

Mickey Ablan: "Your Two Mommies @jannadominguez77 and @iam_iwa loves you so much Yza"
Mickey Ablan: "Your Two Mommies @jannadominguez77 and @iam_iwa loves you so much Yza"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging si Janna ay pinasalamatan din si Iwa.

Kilala si Janna Dominguez sa kanyang role sa "Pepito Manaloto" sa GMA. Ibinahagi ni Janna ang nakakalungkot na balita kaugnay sa pagpanaw ni Yzabel sa pamamagitan ng isang Instagram post. Ibinurol si Izabel sa La Pieta Funeral Homes sa Angeles City, Pampanga mula Oktubre 8 hanggang 12.

Kamakailan ay ibinahagi ni Iwa Moto ang kanyang paraan kung paano niya kinakaya ang pinagdadaanang kalungkutan. Sa kanyang post sa TikTok ay dinaan niya sa paglalaro ng rubiks cube ang lungkot na nararamdaman. Matatandaang kamakailan ay kabilang si Iwa sa naghayag ng matinding kalungkutan sa balitang pumanaw si Yzabel na naging malapit sa kanya noong karelasyon pa ni Iwa ang ama nito.

Read also

Angel Locsin, kabilang sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Deo Endrinal

Ibinahagi ni Janna ang nakakaantig na picture ng kanyang partner na si Mickey. Nakaupo ito at umiiyak sa harap ng puntod ng anak na si Yzabel. Hindi man makita ang kanyang mukha ay marami sa netizens ang naantig at patuloy na nakikiramay. Si Yzabel ang panganay na anak ni Mickey sa unang karelasyon niya pero naging malapit din si Yzabel kay Janna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel