Ivana Alawi: "Hindi po ako ang nasasabing girlfriend ni Mayor Albee Benitez"

Ivana Alawi: "Hindi po ako ang nasasabing girlfriend ni Mayor Albee Benitez"

- Nagsalita na si Ivana Alawi tungkol sa alegasyong siya umano ang girlfriend ni Mayor Albee Benitez

- Mariin niyang pinabulaanan ito at nilinaw niyang businessman at hindi politician ang kanyang karelasyon

- Aniya, hindi daw sana siya magsasalita ngunit dahil sa mga hindi magagandang salitang nasasabi sa kanyang ina at sa kapatid na si Mona ay kailangan daw niyang linawin ang isyu

- Nakilala daw ni Ivana si Mayor Albee nang magpunta siya sa Bacolod dahil sa trabaho at hindi lamang daw siya ang politikong nakilala ni Ivana at naging kaibigan niya

Mariing pinabulaanan ni Ivana Alawi na siya ang girlfriend ni Mayor Albee Benitez. Aniya, kailangan niyang linawin ang lahat dahil nadadamay na maging ang kanyang mama at kapatid na si Mona.

Ivana Alawi: "Hindi po ako ang nasasabing girlfriend ni Mayor Albee Benitez"
Ivana Alawi: "Hindi po ako ang nasasabing girlfriend ni Mayor Albee Benitez"
Source: Instagram

Hindi daw siya nagsalita tungkol dito nung una dahil alam naman daw niyang wala siyang ginagawang masama.

Read also

Xian Gaza, hindi naniniwalang may 'sponkey na pulitiko' si Ivana Alawi

But because of the false accusations and hurtful words that are being thrown to my Mom and Mona, kinailangan ko nang linawin ang mga bagay.

Nakilala daw ni Ivana si Mayor Albee nang magpunta siya sa Bacolod dahil sa trabaho.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez. I met him when I had work in Bacolod. He was very accommodating and friendly. At hindi lang sya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan.

Niilinaw niyang businessman at hindi politician ang kanyang karelasyon.

I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is that he is a respectable businessman and not a Politician.

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Read also

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'

Kamakailan ay kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel