Doug Kramer, ibinida ang pictures ni Kendra sa event na dinaluhan nito

Doug Kramer, ibinida ang pictures ni Kendra sa event na dinaluhan nito

- Ibinida ni Doug Kramer ang ilang pictures ng anak na si Kendra Kramer sa dinaluhan nitong event

- Makikitang naroroon din ang ilang sikat na personalidad kagaya nina Heart Evangelista at Catriona Gray

- Ani Doug, palagi siyang handang samahan at suportahan ang kanyang anak kapag kailangan siya nito

- Marami ang natuwa at bumilib sa pagiging supportive ni Doug sa kanyang anak

Binahagi ni Doug Kramer ang ilang pictures ng anak na si Kendra Kramer sa event na dinaluhan nito kung saan naroroon din sina Heart Evangelista at Catriona Gray. Inihayag ni Doug ang kanyang suporta sa anak.

Doug Kramer, ibinida ang pictures ni Kendra sa event na dinaluhan nito
Doug Kramer, ibinida ang pictures ni Kendra sa event na dinaluhan nito
Source: Instagram
I don't mind being your +1 anytime baby. Papa's always here beside you, anytime you need me. ❤️ Also, you looked so beautiful for your event.

Muli ay hinangaan at pinuri ang pagiging supportive ni Doug sa kanyang anak. narito ang ilang mga komento:

Read also

Carla Abellana sa gitna ng negative comments: "People can be so mean"

A very lucky daughter to have one of the best Dad in this world! Sana all

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

My goodness, Doug.
You must be very very proud Doug!

Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Sa kanilang YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug at Chesca ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak. Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila. Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.

Read also

TikTok video ni Bea Alonzo at Cheska Fausto, humakot ng mahigit 1.7M views

Matatandaang binahagi ni Doug ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school. Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin. Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school. Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel