Claudine Barretto kay Angelu de Leon: "Nakadapa na ko, sisipain mo pa"

Claudine Barretto kay Angelu de Leon: "Nakadapa na ko, sisipain mo pa"

- Minabuti ni Claudine Barretto na linawin ang kanyang naging pahayag kung bakit ayaw niyang makatrabaho si Angelu De Leon

- Sa video na inilabas ng Abante sa TikTok, pinadala daw ni Claudine ang ilang mga article na aniya ay naging dahilan nito

- Kaugnay ito sa mga opinyon daw ng aktres kaugnay sa mga isyu tungkol sa pinagdadaanan noon ni Claudine patungkol sa pamilya niya

- Matatandaang nawindang si Gladys Reyes matapos ang naging pahayag ni Claudine na ayaw niyang makasama sa pelikula si Angelu

Binahagi ni Claudine Barretto ang dahilan kung bakit niya nasabing ayaw niyang makatrabaho si Angelu de Leon. Sa ulat ng Abante, pinaliwanag ni Claudine sa entertainment columnist na si Jun Lalin ang tungkol sa pinanggagalingan ng kanyang naging pahayag.

Claudine Barretto kay Angelu de Leon: "Nakadapa na ko, sisipain mo pa"
Claudine Barretto kay Angelu de Leon: "Nakadapa na ko, sisipain mo pa"
Source: Instagram

Ayon sa entertainment columnist, pinadala ni Claudine ang ilang articles kung saan ay nainterbyu si Angelu at nagkomento ng tungkol sa kanya.

Read also

Aga Muhlach, apat na Barretto ang naging leading lady sa pelikula

At my lowest, bigay siya nang bigay ng opinion. Meron pa siyang, ‘I DON’T FIND IT OFFENSIVE.

Nagbigay daw ng opinyon si Angelu kaugnay sa naging isyu ng pamilya nila. Dagdag pa ni Claudine, noon pa man daw ay ganun na si Angelu sa kanila ni Juday.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“NAKADAPA NA KO, SISIPAIN MO PA? At isa pa DI KAMI CLOSE. Noon pa lang ganyan na sya samin ni Juday.”

Matatandaang nawindang si Gladys Reyes matapos ang naging pahayag ni Claudine na ayaw niyang makasama sa pelikula si Angelu.

Nagsimula si Claudine sa industriya ng showbiz bilang isang child actress. Siya ay nakilala sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikulang tulad ng "May Minamahal" (1993) at "Mara Clara: The Movie" (1996), kung saan gumanap siyang si Mara. Sa telebisyon, nakilala siya sa mga seryeng gaya ng "Saan Ka Man Naroroon" at "Mula sa Puso."

Read also

Xander Arizala, ibinida ang pagbigay ni Whamos Cruz ng pera para sa anak niyang si Xeres

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel