Aiko Melendez, tinanggihang maka-collab ng artistang dating nakatrabaho: "Ending barado tablado ako"

Aiko Melendez, tinanggihang maka-collab ng artistang dating nakatrabaho: "Ending barado tablado ako"

- Naibahagi ni Aiko Melendez ang saloobin niya kaugnay sa kanyang experience nang magtanong siya sa artistang dati niyang nakatrabaho

- Tinanong daw niya ito kung pwede daw ba sila mag-collab dahil ani Aiko ay inakala niyang magkaibigan sila ng artistang ito na hindi na niya pinangalanan

- Matapos daw ang maraming beses na mag-message si Aiko ay tumanggi ito at nagsabing hindi siya nakikipag-collab

- Samantala, puring-puri naman ni Aiko ang vlogger na si Agassi Ching na aniya ay mabait maging ang nanay nito

Nag-post si Aiko Melendez sa Facebook kaugnay sa isang artistang dati daw niyang nakatrabaho na inalok niyang makipag-collab. Maraming beses daw sinubukan ni Aiko na i-message ang naturang artista pero kinalaunan ay sumagot daw ito na hindi siya nakikipagcollab.

Aiko Melendez, tinanggihang maka-collab ng artistang dating nakatrabaho: "Ending barado tablado ako"
Aiko Melendez, tinanggihang maka-collab ng artistang dating nakatrabaho: "Ending barado tablado ako"
Source: Instagram

Sa kanyang post, sinabi niyang kung sino pa yung sikat na vlogger, ito pa daw ang willing na mag collab at humble. Ang tinutukoy nito ay ang vlogger na si Agassi Ching.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Me chika ako syo mareng Senyora nakakaloka diba kung sino pa ung mga pinaka sikat na vlogger un pa ang napaka humble, at willing mag collab. Kagaya ni Agassi Ching apaka bait nila ng mom niya.

Nabanggit niya ang tungkol sa pagtanggi sa kanya ng dating nakatrabahong artista na inakala daw naman niyang kaibigan niya kaya niya sinubukang tanungin kung pwede sila mag collab.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala etong artista na naka work ko dati, minessage ko baka pwede mag collab kami. After so many attempts of messages…. Sumagot na sorry po di ako nakikipag collab po eh. Taray!!! Understandable naman kung busy siya kasi pareho naman kami busy and sumubok lang naman ako.

Gayunpaman, ani Aiko, baka naman daw busy talaga ang artistang ito na hindi na niya pinangalanan.

Read also

Cristy, dumepensa kay Kathryn: "wag pong pagbintangan na nagwawala, nagwawalwal"

Kasi kala ko friends kami since naka work ko na siya dati Ending barado tablado ako. Ok lang hihi. Baka naman busy talaga siya… Mas busy pa siya ke BIDEN

Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.

Masayang ibinida ni Aiko Melendez ang ilang mga larawan mula sa kanyang graduation. Kasama ni Aiko ang kanyang mga anak na sina Andrei at Marthena na pawang inspirasyon niya sa pagtatapos. Inabot man daw siya ng ilang taon bago makapagtapos, masaya siyang napagtagumpayan pa rin ito. Si Aiko ay kasalukuyang naglilingkod bilang konsehal ng ikalimang distrito ng Quezon City.

Tatanggap na muli ng mga showbiz projects ang aktres na si Aiko. Ito ay matapos na maka-graduate na siya sa kolehiyo na siyang naipangako niya sa kanyang mga anak. Aminado si Aiko na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa pagkamit ng kanyang diploma. Ito ay dahil sa iba't ibang gampanin ni Aiko na bukod sa pagiging isang artista ay konsehal din ng ikalimang distrito ng Quezon City.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel