Maxene Magalona, usap-usapan matapos mamataan sa vlog ng isang content creator

Maxene Magalona, usap-usapan matapos mamataan sa vlog ng isang content creator

- Kabilang si Maxene Magalona sa mga taong natanong ng content creator sa isang challenge

- Sa video na binahagi sa Bogart TV Facebook page, nakuhanan si Maxene na may kasamang lalaki at isang bata

- Dahil ang challenge ng vlogger ay manlilibre ang sinumang magsalita habang nakatutok ang microphone niya, nangiti na lamang si Maxene

- Kinalaunan ay may nakapagsabi sa naturang content creator na artista si Maxene kaya agad siyang nagtanong kung pwede daw ba magpa-picture at base sa video ay pumayag naman si Maxene

Kabilang si Maxenen Magalona sa mga taong natanong ng content creator na si Bogart TV. Sa isang video na binahagi sa Facebook, namataan si Maxene na may kasamang lalaki at isang bata.

Maxene Magalona, usap-usapan matapos mamataan sa vlog ng isang content creator
Maxene Magalona, usap-usapan matapos mamataan sa vlog ng isang content creator
Source: Facebook

Dahil wala namang naibabahagi tungkol sa kanyang love life, marami ang nagkomento sa video na ito nang makitang may ka-holding hands si Maxene.

Read also

Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya

Ang challenge sa video na ito ay manglilibre ang sinumang magsalita sa mikroponong hawak ng vlogger. Kaya naman, ngiti lang ang isinukli ni Maxene sa lahat ng tanong sa kanya.

Kinalaunan ay may nakapagsabi sa naturang content creator na artista si Maxene kaya agad siyang nagtanong kung pwede daw ba magpa-picture at base sa video ay pumayag naman si Maxene.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Maxene Magalona ay isang aktres sa Pilipinas na anak ng sikat na rapper na si Francis Magalona. Kapatid niya ang aktor na si Elmo Magalona at ang social media personality na si Saab Magalona. Mayo ng taong 2020 nang isapubliko niya ang tungkol sa kanyang mental illness.

Naibahagi kamakailan ni Maxene kung ano ang kanyang pagkakaparehas at pagkakaiba sa kanyang sarili noon at sa kasalukuyan. Aniya, naniniwala siyang hindi tama na itatwa niya ang nakaraan niya dahil makakapigil umano ito sa pagpapabuti niya sa sarili. Aniya, ang pagtanggap sa kanyang nakaraan ay susi sa pagpapalaya ng mga negatibong enerhiya. Paraan din umano ito upang maisaayos ang anumang hindi magandang ugali.

Read also

Pauleen Luna, nag-post ng picture ng dalawang anak: "My children...Thank you Lord"

Sa gitna ng pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu ng umano'y problema ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, isang makahulugang post ang binahagi niya. Ito ay mula sa Instagram page na @the_higher_self_'s page. Tungkol ito sa hindi na kailangan pang ipaliwanag ang sarili sa ibang tao. Sa naturang quote ay nakasaad na kung hindi naman naiintindihan ng ibang tao ay ayos lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel