Xia Vigor, kinabiliban sa kanyang matatas na pagsasalita sa iba-ibang lenggwahe
- Marami ang bumilib kay Xia Vigor sa kanyang pagiging matatas magsalita sa ibang lenggwahe
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
- Sa kanyang pagbisita sa Marites University, naitanong kay Xia kung ano-anong lenggwahe ang alam niya
- Kabilang sa kanyang sinabi ay Japanese at British kung saan maging ang hosts ng show at napabilib sa kanya
- Kabilang si Xia sa bida ng pelikulang Itutumba Ka ng Tatay Ko kasama sina Janno Gibbs at Ronaldo Valdez
Kinabiliban si Xia Vigor sa kanyang pagsasalita ng Japanese nang makapanayam siya ng Marites University. Bukod dito ay bilib na bilib maging ang hosts sa kanyang British accent.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kwento ni Xia, natuto siya ng Japanese dahil sa mommy niya. Kinailangan daw ng mommy niyang mag Japanese dahil sa trabaho niya kaya natuto din si Xia.
Kabilang si Xia sa bida ng pelikulang Itutumba Ka ng Tatay Ko kasama sina Janno Gibbs at ang yumaong batikang aktor na si Ronaldo Valdez
Si Xiamara Sophia Vigor o mas kilala sa kanyang screen name na "Xia" ay isang British-Filipino na child actress. Tinanghal siyang grand finalist ng Mini Me 2 bilang mini Selena Gomez sa It's Showtime. Lalo siyang nakilala sa iba't-ibang panig ng mundo nang mag-viral ang kanyang performance sa Your Face Sounds Familiar kung saan ginaya niya si Taylor Swift.
Marami ang naaliw at bumilib sa batang si Xia dahil sa pinapakita nito pagiging halimbawa sa kapwa niya kabataan. Sa kanyang Instagram ay palagi niyang ibinabahagi ang ilang mahahalagang aral kabilang na ang pangangalaga sa kalikasan. Sa kabila ng kanyang kasikatan ay walang kaarte-arteng nagtanim si Xia ng bawang at sibuyas. Hindi niya inalintana ang putik, huwag niya lang mapalampas ang pagkakataon na matutong magtanim.
Matatandaang sina Sophia Reola at Xia ay nagbahagi ng kanilang madamdaming mensahe sa pagpanaw ng kapwa nila dating child star na si JM Canlas. Binahagi pa ni Xia ang kanilang naging pag-uusap ni JM kung saan makikita ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan. Ibinahagi niya rin ang picture nilang magkasama noong sila ay mas bata pa. Para naman kay Sophia, hindi niya inakalang gagamitin niya ang picture niya kasama si JM bilang pamamaalam.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh