Willie Revillame, handa na raw tumakbong senador sa 2025

Willie Revillame, handa na raw tumakbong senador sa 2025

- Kabilang si Willie Revillame sa dumalo sa protest rally sa Davao City ngayong Linggo ng gabi, January 28

- Dito ay naibahagi ni Willie ang tungkol sa pag-alok sa kanya ni Dating pangulong Rody Duterte na tumakbo siya bilang senador

- Gayunpaman, noong panahong iyon ay may kontrata pa daw si Willie at sa tingin niya ay hindi pa siya handa kaya hindi siya tumakbo

- Pinagdasal niya daw ang kanyang desisyon at sa tingin daw niya ay handa na siyang tumakbo sa taong 2025 bilang senador

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inanunsiyo ni Willie Revillame na handa na raw siya na tumakbo bilang senador sa taong 2025. Pinagdasal niya daw ang kanyang desisyon at sa tingin daw niya ay handa na siya.

Willie Revillame, handa na raw tumakbong senador sa 2025
Willie Revillame, handa na raw tumakbong senador sa 2025
Source: Facebook

Kabilang si Willie sa dumalo sa protest rally sa Davao City ngayong Linggo ng gabi, January 28. Nakwento ni Willie ang pag-imbita sa kanya sa Malacañang. Inalok daw siyang tumakbo noon pero bukod daw sa may kontrata pa siya, napagtanto niyang hindi niya pa kaya.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Palagay ko, handa na ako. Handa ho ako gumawa ng kabutihan, handa ako magsilbi hindi lang sa bayan. handa akong magsilbi sa ating kabababayan na nangangailangan ng tulong.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ni Willie.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate