Cristy, may nasagap kay Direk Darryl tungkol kay Karla: "Palagay ko naman hindi naghihirap"

Cristy, may nasagap kay Direk Darryl tungkol kay Karla: "Palagay ko naman hindi naghihirap"

- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang nabalitaan niya tungkol kay Karla Estrada mula kay Direk Darryl Yap

- Nakasama umano ng direktor si Karla sa pagtingin ng bahay sa parteng South at nakabili na raw ito

- Sinabi rin umano nito na tila walang katotohanan ang bali-balitang naghihirap na ang pamilya ni Daniel Padilla

- Kasabay naman umano nito ang paglitaw ng komento ng bashers na nagsasabing dapat ay nagbayad muna ang pamilya ni Daniel kay Kathryn Bernardo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! naikwento ni Cristy Fermin ang nabalitaan niya mula kay Direk Darryl Yap patungkol kay Karla Estrada.

Cristy, may nasagap kay Direk Darryl tungkol kay Karla: "Palagay ko naman hindi naghihirap"
Karla Estrada
Source: Facebook

Nakasama umano ni Direk Darryl si Karla at bahagyang nausisa na rin sa mga kaganapan nito sa buhay kamakailan.

"'Nung una sabi ni Direk Daryl, meron daw silang tinitingnang bahay sa bandang South. Isinama raw siya e. Pero 'di siya ang bumili, si Karla. So ibig sabihin, nakabili na pala ng bahay si Karla sa bandang South... Kwento ni Direk Daryl, ganu'n ang nangyari."

Read also

Cristy, sa madalas na papuri kay Alden: "Hindi po kami bayaran ni Alden Richards"

Nang matanong naman daw ng direktor ang tungkol umano sa binibentang bahay ng anak ni Karla na si Daniel Padilla, tila tipid ang naisagot nito na hindi na lamang din niya inusisa pa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Gusto niyang tulungan ang kanyang anak para maka-move on. 'Yun daw ang sabi. Hindi na niya inusisa ng matagalan dahil personal 'yun. 'Yung tungkol nalang sa bahay."

Nagbiro pa raw si Direk Darryl patungkol umano sa mga kaibigan at koneksyon ni Karla para hindi ito bastang maghirap.

"Sabi niya, palagay ko naman hindi naghihirap. imposible yun. Kasi kung totoong naghihirap siya, kaibigan naman niya si Congressman Martin Romualdez, Ano ba naman 'yung tumaya siya sa lotto at siya ang maging solong winner. Charot! Sabi pa nga niya"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Ogie D sa update ukol kay Angel Locsin: "'yung pagbabalik sa showbiz, baka for now di muna"

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersya ang Kathniel matapos maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

At sa pagtatapos nga ng buwan ng Nobyembre noong 2023, mismong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan. Marami ang nalungkot sa balitang ito. Maging si Boy Abunda ay aminadong isang Kathniel fan na naiyak bilang fan at bilang isang kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel