Janno Gibbs, idinetalye ang huling usap nila ng ama: "I think he made sure na tulog ako"

Janno Gibbs, idinetalye ang huling usap nila ng ama: "I think he made sure na tulog ako"

- Nagpaunlak ng panayam si Janno Gibbs kay Jessica Soho ng KMJS

- Doon, naidetalye niya ang mga huling sandali bago namaalam ang kanyang ama

- Napansin niya umanong tila siniguro pa nitong tulog siya bago maganap ang hindi niya inaasahan

- Matatandaang Disyembre 17 nang gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ni Ronaldo Valdez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam ni Jessica Soho kay Janno Gibbs, naidetalye ng aktor ang huling sandali at huling pag-uusap nila ng amang si Ronaldo Valdez.

Janno Gibbs, idinetalye ang huling usap nila ng ama: "I think he made sure na tulog ako"
Janno Gibbs (Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Instagram

Isa ito sa natanong sa kanya ni Jessica na nagulat nang malamang nagawa pa umanong silipin para kausapin ni Ronaldo si Janno ilang oras bago ito matagpuan na hindi inaasahang kalagayan.

"Kala noong iba, wala ako 'dun e. He was living with me 'di ba? I was just next door. And I think, he made sure I was sleeping. He even knocked on my door, I was taking a nap. Afternoon nap, so nagising ako. Sumilip lang siya, sabi niya 'di ba tuloy yung lakad mo?" pagbabalik-tanaw ni Janno.

Read also

Andrew Schimmer, inaming minsang naging alcoholic nang pumanaw ang dating partner

"Tuloy kaya lang ginamit ni Bing 'yung kotse, pagbalik. Idlip lang ako. 'Ah okay. Moments after that, 'eto na yung driver panicking. So, I think he made sure na tulog ako and wala 'yung driver," ani Janno.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya ni Jessica Soho:

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon. Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ronaldo bago siya pumanaw ay ang '2 Good 2 Be True' ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakilala siya sa naturang serye bilang si 'Lolo Sir' na talagang tumatak di lamang sa Kathniel Fans kung maging sa mga sumubaybay ng serye at sa mga kapwa aktor na nakasama niya roon.

Read also

Jiro Manio, 'di basta babalik sa showbiz; "Pinagbawalan po ako"

Agad ding nabalikan ng netizens ang birthday post ng anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs kung saan nabanggit nito ang kanilang pelikula na ipalalabas sa January 24. Ayon pa sa post ni Janno sa huling kaarawan na pala ng kanyang ama noong Nobyembre, masaya siyang naging direktor ng kanyang ama. Makikitang nagkomento pa roon si Ronaldo at sinabing proud siya kay Janno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica