Kris Aquino, nagbahagi ng health update: "My battle has become more complex"

Kris Aquino, nagbahagi ng health update: "My battle has become more complex"

- Nagbahagi si Kris Aquino ng kanyang unang health update ngayong taon sa kanyang Instagram post

- Naibahagi niyang "very weak" daw ang kanyang pakiramdam muka Thanksgiving day at wala daw siyang gana

- Nag-alangan daw siyang mag-post dahil bumaba ag kanyang timbang at maging ang kanyang hemoglobin level

- Tutuparin daw niya ang pangakong hindi siya susuko at itutuloy niya ang kanyang pakikipaglaban sa karamdaman niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Kris Aquino ng kanyang unang health update para sa taong 2024. Naibahagi niya na maaring nasa initial stage siya ng sakit na lupus o SLE (Systemic lupus erythematosus).

Kris Aquino, nagbahagi ng health update: "My battle has become more complex"
Kris Aquino, nagbahagi ng health update: "My battle has become more complex"
Source: Instagram

Nag-alangan daw siyang mag-post dahil bumaba ag kanyang timbang at maging ang kanyang hemoglobin level.

"Twice, I had my blood drawn and the last was for a thorough autoimmune blood panel. It took almost 2 weeks to get my results."

Read also

PCSO, iginiit na sinadya nilang in-edit ang damit ng Lotto jackpot winner

Sa kabila nito ay nadagdagan naman ang kanyang timbang. Naibahagi niya na maaring nasa initial stage siya ng sakit na lupus.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I cried nonstop when I got my blood panel results. My Churg Strauss/EGPA is still being treated, but to add to it my CREST SYNDROME is now in full ACTIVE mode,"

Sa kabila nito aniya ay malakas pa rin ang kanyang pananampalataya.

"My battle has become more complex BUT I promised my sons & my sisters- I won't be a wimp. And I'm promising all my friends plus all who continue to pray for me: bawal sumuko, tuloy pa rin ang laban,"

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Read also

Serena Dalrymple, nagbahagi ng update sa pagbubuntis: "10 weeks to go!"

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate