Miles Ocampo, sa pagiging isang Eat Bulaga host: "Parang isa 'yun sa malaking 360 ng buhay ko"

Miles Ocampo, sa pagiging isang Eat Bulaga host: "Parang isa 'yun sa malaking 360 ng buhay ko"

- Aminado si Miles Ocampo na malaking break umano sa kanyang showbiz career ang pagkakapasok sa Eat Bulaga

- Aniya ibang klaseng oportunidad na mapabilang sa isang noontime show kung saan halos araw-araw siyang napapanood

- Doon, tila mas nakilalala at mas natatandaan siya umano ng publiko

- Sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival 2023, si Miles Ocampo ang hinirang na Best supporting actress sa pelikulang Family of Two

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Malaking break umano sa showbiz career ni Miles Ocampo ang pagiging isa sa mga kasalukuyang Eat Bulaga host.

Miles Ocampo, sa pagiging isang Eat Bulaga host: "Parang isa 'yun sa malaking 360 ng buhay ko"
Miles Ocampo (@milesocampo)
Source: Instagram

Isa ito sa mga natanong sa kanya ni Karen Davila nang makapanayam siya nito sa kanyang YouTube channel:

"Honestly Ms. Karen because of Eat Bulaga. May mga nakakakilala naman po sa akin dati sa mga acting ko and all. Pero nung nagpasok ako ng Eat Bulaga Ms. Karen, parang iba. Parang, kahit saan ako pumunta kilala ako, Knock-knock gaganyan yung mga tao sa akin, tawagin akong Miles. Miles, wala ka bang knock knock diyan?"

Read also

Miles Ocampo, napatawad na si Elijah Canlas: "Parang lahat naman ng tao nagkakamali"

"Iba pala Ms. Karen 'pag nakikita ka every day ng mga tao. Tapos like growing up, never ko naman naisip Ms. Karen na papasok ako sa isang noontime show or maging host ako di ba? So parang isa 'yun sa malaking 360 ng buhay ko."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa pagiging isang Eat Bulaga host, kabi-kabila rin ang naging proyekto ni Miles noong 2023. Isa na rito ang pelikulang 'Family of Two' sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival kung saan hinirang siya bilang Best Supporting Actress.

Si Miles Ocampo o Camille Tan Hojilla sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, model, writer, at singer. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN gag show Goin' Bulilit. Naging bahagi siya ng Star Magic. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Read also

Andrea Brillantes, ayaw na nang may ka-love team: "I think it’s not for me"

Sa ngayon, isa si Miles sa mga co-host ng E.A.T. kung saan nasabi niyang isa umano ito sa kanyang mga unexpected blessings. At sa pilot episode ng FPJ: Batang Quiapo, nag-trending ang husay niya sa pagganap bilang batang Cherry Pie Picache. Kabi-kabilang papuri ang natatanggap niya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging sa mga kapwa niya artista.

Samantala, isa si Miles sa mga artistang nauwi sa hiwalayan ang relasyon ngayong 2023. Sa kabila nito, nilinaw ni Miles na maayos ang kanilang paghihiwalay ni Elijah Canlas at hindi sila galit sa isa't isa. Mapapanod si Elijah sa seryeng Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica