Annabelle Rama itinangging ni-like niya post ni Sarah Lahbati: "Bakit ko ila-like?”

Annabelle Rama itinangging ni-like niya post ni Sarah Lahbati: "Bakit ko ila-like?”

-Pinabulaanan ni Annabelle Rama na ni-like niya ang post ni Sarah Lahbati sa Instagram

- Aniya, busy sila at wala siyang panahon na mag-check ng mga post dahil nag-pictorial sila

- Dagdag pa niya, lumindol pa sa Japan kung saan sila nagbakasyong mag-anak

- Paliwanag niya, baka ang kanyang mga apo ang nakapindot dahil hiniram daw ang kanyang cellphone

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita si Annabelle Rama kaugnay sa umano'y pag-like niya ng post ni Sarah Lahbati. Sa ulat ng Abante News, itinanggi daw ni Annabelle na siya ang nag-like ng Instagram post ni Sarah.

Annabelle Rama itinangging ni-like nya sa post ni Sarah Lahbati: "Bakit ko ila-like?”
Annabelle Rama itinangging ni-like nya sa post ni Sarah Lahbati: "Bakit ko ila-like?”
Source: Instagram

Tila hindi alam ni Annabelle ang tungkol dito.

“Ha? Wala akong nila-like. Bakit ko ila-like?”

Aniya, busy sila at wala siyang panahon na mag-check ng mga post dahil nag-pictorial sila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Ivana, happy sa kanyang love life: "Feeling ko malapit na, pwede nang mag-asawa. Char!"

“Bising-busy kami kahapon. Nag-pictorial pa kami. Wala akong panahon mag-check ng mga post. Lumindol pa.”

Paglilinaw niya, baka ang kanyang mga apo ang nakapindot dahil hiniram daw ang kanyang cellphone.

“Alam mo naman ang mga apo ko, ang hilig hiramin ang phone ko. Baka napindot nila"

Matatandaang sa isang panayam ng ABS-CBN news ay nabanggit ni Annabelle na nasa kanya ang anak na si Richard.

Nabanggit niya rin na sa Japan sila magbabakasyon ngunit 'minus 1' lang daw.

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang "My Monster Mom" kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate