Bobby Ray Parks, gusto na daw magka baby: "Kailangan kasal muna talaga"

Bobby Ray Parks, gusto na daw magka baby: "Kailangan kasal muna talaga"

- Para kay Bobby Ray Parks, gusto na raw niya magka-baby sila ni Zeinab Harake

- Gayunpaman aniya ay kailangang maikasal muna sila bago ang plano nilang magka-baby

- Maging si Zeinab ay ready naman na raw pero naghihintay daw sila ng perfect timing

- Anila, habang wala pa ay nakakapag-practice naman daw sila sa kanilang dalawang anak na sina Lucas at Bia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang inamin ni Bobby Ray Parks na sa kanilang dalawa, siya ang mas gusto nang magka-baby. Gayunpaman aniya ay kailangang maikasal muna sila ng girlfriend niyang si Zeinab Harake.

Bobby Ray Parks, gusto na daw magka baby: "Kailangan kasal muna talaga"
Bobby Ray Parks, gusto na daw magka baby: "Kailangan kasal muna talaga"
Source: Youtube

Sa vlog ni Zeinab, nabanggit niyang isa sa nagustuhan niya kay Ray ay kung paano siya nito dinadala upang mas makilala pa ang Panginoon.

Maging si Zeinab ay ready naman na raw pero naghihintay daw sila ng perfect timing. Anila, may dalawa naman silang anak na sa ngayon ay pinagtutuunan nila ng pansin at nakakapag-handa pa sila para maging mas mabuting magulang kung sakaling magkaroon na sila ng karagdagang anak.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Anila, habang wala pa ay nakakapag-practice naman daw sila sa kanilang dalawang anak na sina Lucas at Bia.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang inalmahan ni Zeinab sa kanyang Instagram live ang mga naninisi sa kanya kung bakit hindi nakapaglaro sa FIBA si Bobby Ray Parks. Nilinaw ni Zeinab na todo-suporta siya kay Ray at maging siya ay busy din sa trabaho. May mga nagsasabi kasi na mas inuuna siya ni Ray kesa sa pagba-basketball nito. Nilinaw naman ni Ray na wala namang masama na magkaroon siya ng buhay outside basketball.

Read also

Jean Garcia, binuking ang tungkol sa mga manliligaw ng anak

Sinulit nina Bobby Ray at Zeinab ang kanilang oras na magkasama sa bakasyon nila sa Bohol. Pabalik na rin kasi si Ray sa Japan sa kanilang pagbabalik sa Manila pagkatapos ng kanilang bakasyon. Sa Instagram live ni Zeinab ay makikita ang anila'y "Bebe time" ng magkasintahan. Sa sobrang busy daw nila sa kanilang mga trabaho ay ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: