Madam Inutz sa nakakalulang electric bill: "Ang pao ang inaasahan ko e, ibang sobre ang dumating"

Madam Inutz sa nakakalulang electric bill: "Ang pao ang inaasahan ko e, ibang sobre ang dumating"

- Ibinahagi ni Madam Inutz ang halaga ng kanyang electric bill sa buwan ng Disyembre

- Umabot kasi ito ng mahigit Php40,000 ang bill ng kuryente nila na mapapansing pinakamataas sa mga nauna niyang naibahagi

- Aniya, ang pao ang kanyang hinintay subalit ibang sobre ang dumating

- Matatandaang minsan na ring naibahagi ni Madam Inutz kung gaano kataas ang kanilang electric bill bago pa man ang Kapaskuhan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makulit na ibinahagi ni Madam Inutz ang nakakalulang halaga ng kanyang electric bill.

Madam Inutz sa nakakalulang electric bill: "Ang pao ang inaasahan ko e, ibang sobre ang dumating"
Madam Inutz (Madam inutz FB)
Source: Facebook

Sa kanyang post noong December 29, makikita ang bill nila na tumataginting na nasa Php43,700.

"Ang pao inaasahan ko e. Ibang sobre dumating. Meralco, wala naman tayong relasyon bakit lagi mong minamahalan bills ko?"

Labis itong kinagiliwan ng mga nakakita ng post at halos hindi rin makapaniwala sa laki ng bayarin ni Madam Inutz sa kanilang kuryente.

Read also

Christian Bables sa mga nagdududa umano sa kanya: "For now, I think I'm straight"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Barya lang daw sa'yo yan Madam sabi ng Meralco"
"Grabe! ang laki ng bill niyo Madam pero marami ka naman pong pambayad"
"Mas malaki pa po 'yan sa sahod ko! Ang taas!"
"Madam, Isang taong bill na po namin yan. Parang ako rin, gusto ko nalang ng sobrang ang pao"
White na sobre po ang dumating, hindi red. Hahaha! Mansion po kasi ang bahay niyo madam

Narito ang kabuuan ng post:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay napansin sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 15,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Miles Ocampo sa best supporting actress award: "Pina-praktis ko lang 'to dati"

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na bahagi ng kanyang lumalagong mga negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel