Miles Ocampo sa best supporting actress award: "Pina-praktis ko lang 'to dati"

Miles Ocampo sa best supporting actress award: "Pina-praktis ko lang 'to dati"

- Tila hindi makapaniwala si Miles Ocampo sa natanggap na award kamakailan

- Siya ang hinirang bilang best supporting actress ng katatapos lamang na Metro Manila Film Festival

- Aniya, pina-praktis lamang niya ang pagtanggap ng acting award na ngayon ay meron siya

- Nabanggit niyang anim na taong gulang siya nang magsimula sa showbiz at nakamit niya ang acting award, 20 taon ang lumipas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Halos hindi makapaniwala si Miles Ocampo sa natanggap niyang parangal sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival.

Miles
Miles Ocampo (@crownartistmgmt)
Source: Instagram

Si Miles ang hinirang na best supprting actress sa pagganap nito bilang si Czarina sa pelikulang Family of Two na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards.

Sa kanyang speech, nabanggit ni Miles na 20 taon ang dumaan bago siya magkaroon ng acting award.

Read also

Christian Bables sa mga nagdududa umano sa kanya: "For now, I think I'm straight"

"Six years old po ako nagsimula sa industriya. Twenty seven na po ako next year, ngayon lang ako nakatanggap ng award."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento rin niyang tila nagdalawang-isip pa siyang tanggapin ang proyekto dahil katatapos lamang umano ng kanyang operasyon nang i-offer ito sa kanya.

"Ganito po pala ang feeling ng mga artista. Sobrang pinag-isipan ko po kung tatanggapin ko 'tong project na 'to. Alam 'to ng team cause, kakatapos ko lang operahan nung gawin 'to. Baka sabihin, mukha akong nanay ni Alden."

Pinasalamatan niya ang kanyang pamilya, management at mga taong patuloy na naniniwala sa kanya. Tila malaking biyaya ito sa pagtatapos ng 2023 kung saan marami umanong nangyari sa kanyang buhay sa taong ito.

"Lord, andami pong nangyari ngayong taon pero, thank you po"

Narito ang kabuuan ng kanyang speech mula sa Gabi ng Parangal, 2023 MMFF na ibinahagi rin ng News5 Everywhere:

Read also

Christian Bables, naiyak nang mapag-usapan ang pangungulila sa ama

Si Miles Ocampo o Camille Tan Hojilla sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, model, writer, at singer. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN gag show Goin' Bulilit. Naging bahagi siya ng Star Magic. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Sa ngayon, isa si Miles sa mga co-host ng E.A.T. kung saan nasabi niyang isa umano ito sa kanyang mga unexpected blessings. At sa pilot episode ng FPJ: Batang Quiapo, nag-trending ang husay niya sa pagganap bilang batang Cherry Pie Picache. Kabi-kabilang papuri ang natatanggap niya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging sa mga kapwa niya artista.

Samantala, isa si Miles sa mga artistang nauwi sa hiwalayan ang relasyon ngayong 2023. Sa kabila nito, nilinaw ni Miles na maayos ang kanilang paghihiwalay ni Elijah Canlas at hindi sila galit sa isa't isa. Mapapanod si Elijah sa seryeng Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: