Gretchen Barretto, mas gusto ang buhay niya ngayong wala siyang social media

Gretchen Barretto, mas gusto ang buhay niya ngayong wala siyang social media

- Nagbahagi si Gretchen Barretto ng kanyang saloobin kaugnay sa kanyang buhay ngayong wala siyang social media

- Aniya, mas nagagawa niya ang gusto niya ngayon at mas nakikita niya ang sinseridad ng mga taong nagbibigay sa kanya

- Hindi na raw niya ginagawa ang mga bagay-bagay para lang ipakita sa tao kaya mas naging sincere din siya

- Maging sa pananamit niya ay nabago din daw dahil hindi na siya gumagastos nang sobra

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Gretchen Barretto, mas gusto niya ang buhay niya ngayong wala siyang social media. Sa binahaging video ni Dr. Aivee Teo, nabanggit niya ang mga pagbabago sa buhay niya nang wala na siyang social media.

Gretchen Barretto, mas gusto ang buhay niya ngayong wala siyang social media
Gretchen Barretto, mas gusto ang buhay niya ngayong wala siyang social media
Source: Youtube

Aniya, mas nagagawa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin nang hindi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Mas nakikita din daw niya ang sinseridad ng ibang tao sa kanya.

Read also

Vlogger na si Ser Geybin, naiyak nang makaharap sa wakas si Cong TV

Sa kanyang pananamit ay hindi na raw siya gumagastos nang sobra dahil hindi niya kailangang bumili para maipakita sa socmed. Aniya ay mas nakakatipid siya ngayon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Gretchen Castelo Barretto ay sumikat sa mundo ng showbiz at kapatid nina Claudine at Marjorie Barretto. Bukod sa pag-arte ay isa ring recording artist noon si Gretchen.

Pang-lima siya sa pitong mga anak nina Miguel Alvir Barretto at Estrella Castelo Barretto. Mayroong isang anak ang aktres sa kanyang partner na businessman, si Antonio "Tony Boy" Cojuangco Jr.

Matatandaang usap-usapan ang video na ibinahagi ni Gretchen Barretto na talaga namang lumikha nang ingay. Pinasilip ni Gretchen kung gaano na siya kasanay humawak ng manok na panabong. Marami ang nanibago dahil nakasanayan ng marami na sa sosyalang party nila nakikita ang aktres. Kabilang ang ilang mga celebrities sa hindi napigilang mag-react sa kanyang ibinahaging video kamakailan.

Read also

Jelai Andres sa sweet na video nina Zeinab at Ray: "Lord bat ganyan ka sa iba?"

Matapos ang kanyang pag-post ng sagot sa pahayag ni Sen. Bato dela Rosa sa isang ulat ng SMNI News, naka-private na ang Instagram account ni Gretchen. Sa kanyang huling post ay rumesbak si Gretchen kay dela Rosa matapos sagutin ng mambabatas ang mga akusasyon ng dating aktres. Naghamon pa ang dating aktres na willing siyang maglabas ng ebidensiya kaugnay sa kanyang akusasyon. Ayon pa kay Dela Rosa, "character assassination" ang ginawa ni Gretchen laban sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel