Madam Inutz, pinasalamatan si Wilbert Tolentino sa binigay na pamasko sa kanila
- Pinasalamatan ni Madam Inutz si Wilbert Tolentino sa binigay nito sa kanila ngayong pasko
- Ayon sa kanya bukod sa binigay nitong 65" na TV ay nagbigay din daw ito ng pera sa kanila
- Pinagpasalamat niya na kahit abala si Wilbert ay naglaan daw ito ng oras para sa kanyang nanay at tatay
- Matatandaang noong active pa sa showbiz si Madam Inutz ay si Wilbert ang kanyang napiling maging manager
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagpasalamat si Madam Inutz kay Wilbert Tolentino sa binigay nitong pamasko sa kanila. Aniya, bukod sa 65" na TV ay nagbigay din daw ito ng pera sa kanila.
Pinagpasalamat ni Madam Inutz na kahit gaano raw ka busy si Wilbert ay naglaan ito ng oras para sa kanyang nanay at tatay.
Sa mga pictures na binahagi ni Madam Inutz ay makikitang hawak niya ang kahon ng TV at ang bundle-bundle na pera.
Yung boss kong me pa brandnew tv na me paaginaldo pa ️ Maraming salamat bosswilberttolentino ko kahit anung busy mo naglalaan ka talaga ng oras para ke nanay at tatay ay syempre saakin Grabe ka mag share ng blessings buong pamilya ko happy ngayong pasko more blessing pa sayo sir ko i love u ❤️❤️ more blessing pa sayo sir ko i love u ❤️❤️merrychristmas everyone
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.
Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.
Sa isang video niya ay pinakita ni madam Inutz ang pagsama niya ng kanyang boyfriend na si Tantan sa kanilang pagpunta sa mall kasama ang manager na si Wilbert Tolentino at si Herlyn Budol. Ito umano ang unang pagkakataon na nagkita sa personal ang boyfriend at ang manager nila ni Herlene kaya naisipan nilang lumabas at mag-group date. Marami naman sa mga viewers ni madam Inutz ang masaya para sa kanyang mga tinatamasa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh