Marian, pinakilig ng napamurang netizen na pumuri sa kanila ni Dingdong

Marian, pinakilig ng napamurang netizen na pumuri sa kanila ni Dingdong

- Ibinahagi ni Marian Rivera ang post ng umano'y nakapanood ng pelikula nila ni Dingdong Dantes

- Napamura ang naturang netizen sa pagpuri sa husay nina Marian at Dingdong sa 'Rewind'

- Matatandaang sa premiere pa lang ng naturang pelikula, marami na ang naiyak at pumuri sa mag-asawa

- Isa ang pelikulang 'Rewind' sa sampung Metro Manila Film Festival movies ngayong taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Marian Rivera sa kanya mismong Instagram account ang post ng isang netizen na nakapanood na ng pelikula nila ni Dingdong Dantes, ang 'Rewind.'

Marian, ibinahagi ang post ng napamurang netizen sa pagpuri sa kanila ni Dingdong
Marian, ibinahagi ang post ng napamurang netizen sa pagpuri sa kanila ni Dingdong (@marianrivera)
Source: Instagram

Kapansin-pansin ang naturang post dahil hayagang namura ng netizen ang mag-asawa bilang papuri sa husay ng mga ito sa pag-arte at sa umano'y napakaganda nilang pelikula.

"Maligayang Pasko sayo. Napakilig mo ako," ang caption ni Marian ang naturang pos.

Read also

KathNiel, JaDine at LizQuen sa iisang larawan, muling nag-viral

Isa ang pelikula nila ng kanyang mister na si Dingdong Dantes sa sampung pelikulang bahagi ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang sa premiere pa lang ng naturang pelikula, marami na ang napaluha nito kabilang na mismo sina Marian at Dingdong.

Maging ang mga kapwa nila artista na nanood kasama nila sa naturang premiere ay namumugto ang mga mata dala ng pelikula.

Samantala, marami rin ang naaliw sa naturang post.

Si Marian Rivera ay isa sa mga maituturing na pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Nakilala siya sa Kapuso channel dahil sa pagganap niya sa mga iconic roles tulad ng 'Marimar,' 'Dyesebel', at maging ng 'Darna.' Siya ang asawa ng isa ring Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Ngayong taon, muling nagsama sa isang proyekto ang DongYan na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023. Ito ay ang pelikulang Rewind kung saan mag-asawa rin ang gagampanan nila.

Read also

DonYan at mga nanood ng premiere ng pelikula nilang 'Rewind', nag-iyakan sa sinehan

Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel