DonYan at mga nanood ng premiere ng pelikula nilang 'Rewind', nag-iyakan sa sinehan

DonYan at mga nanood ng premiere ng pelikula nilang 'Rewind', nag-iyakan sa sinehan

- Maging sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na pangunahing aktor sa 'rewind' ay naiyak sa sarili nilang pelikula

- Matapos na mapanood ang premiere nito, makikitang karamihan sa mga nanood ay may mga luha pa

- Matatandaang minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz sa panayam niya sa DongYan kung gaano kaganda ang pelikula nito

- Isa ang Rewind sa mga pelikula ng Metro Manila Film festival ngayong taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging emosyonal at naiyak ang mga nakapanood sa premiere night ng pelikulang 'Rewind' nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

DonYan at mga nanood ng premiere ng pelikula nilang 'Rewind', nag-iyakan sa sinehan
DonYan at mga nanood ng premiere ng pelikula nilang 'Rewind', nag-iyakan sa sinehan
Source: Facebook

Maging mismo sina Marian at Dingdong ay makikitang may luha pa sa mga mata nang matapos panoorin ang kanilang pelikula.

Sa video na naibahagi ng Kapamilya Kingdom, maging ang iba pang mga nanood na artista sa nasabing pelikula ay hindi napigilang maluha.

Read also

Tom Taus, inalala si Ronaldo Valdez na gumanap na lolo niya sa pelikulang 'Cedie'

Ilan sa mga nahagip ng video ay sina Angeline Quinto, Ivana Alawi, Kyline Alcantara at Gabbi Garcia, John Lapuz, Boobay, Ina Feleo, Pamu Pamorada at marami pang iba.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Halos lahat ng mga nakapanood ay bumati sa ganda ng pelikula at sa husay ng mga aktor nito.

"Watching it for the first time e parang nabuhay talaga yung binasa kong version kaya very, very happy," ani Dingdong na mapapansing mugto ang mga mata sa pagluha dahil sa kanilang pelikula.

Sa naturang video, nabanggit din ni Marian na mag-iikot sila sa mga sinehan upang personal na pasalamatan ang mga manonood ng kanilang pelikula.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Marian Rivera ay isa sa mga maituturing na pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Nakilala siya sa Kapuso channel dahil sa pagganap niya sa mga iconic roles tulad ng 'Marimar,' 'Dyesebel', at maging ng 'Darna.' Siya ang asawa ng isa ring Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Read also

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

Ngayong taon, muling nagsama sa isang proyekto ang DongYan na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023. Ito ay ang pelikulang Rewind kung saan mag-asawa rin ang gagampanan nila.

Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel