Vilma Santos, naiyak sa prank nina Boyet De Leon at Ogie Diaz

Vilma Santos, naiyak sa prank nina Boyet De Leon at Ogie Diaz

- Naiyak sa prank nina Ogie Diaz at Boyet De Leon si Vilma Santos

- Inakala talaga ni Ate Vi na seryosong nainsulto si Boyet sa tanong sa kanya ni Ogie Diaz

- Lingid sa kaalaman nito na nabulungan na ni Ogie si Boyet ng tungkol sa kanilang gagawing prank

- Ani Vilma, sa loob ng halos 40 na taon na nakakasama niya si Boyet, doon lamang niya raw ito nakitang maiba ang mood sa interview

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maiyak ng nag-iisang Star for all Seasons na si Vilma Santos sa prank na ginawa sa kanya nina Ogie Diaz at Boyet De Leon.

Vilma Santos, naiyak sa prank nina Boyet De Leon at Ogie Diaz
Vilma Santos, naiyak sa prank nina Boyet De Leon at Ogie Diaz (@rosavilmasantosrecto)
Source: Instagram

Seryoso ang mga tanong ni Ogie sa kanila at katatapos lamang na maikwento ni Boyet De Leon ang napagdaanan ng anak niyang sinubok ng cancer.

Read also

Ogie D sa kontrobersiya nina Rob at Herlene: "The more you talk, the more mistakes"

Nang matanong siya ni Ogie ng kung sino ang nakikita niyang susunod na Christopher De Leon, doon naiba ang mood ng aktor na simula na pala ng prank nila kay Ate Vi.

"Hindi ko gusto yung kino-compare ako sa iba e. Hindi ko type yun.That's not my cup of tea I just enjoy my job.Wala akong palialam sa iba. Hindi ako nagkukumpara. Kasi pag nagkukumpara ako. Lalo akong nako-conscious sa ginagawa ko e," seryosong sagot ni Boyet na inakala namang totoo ni Ate Vi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pagdating diyan, sensitibo ako. Hindi ako pwedeng ikumpara kahit na sino. Meron akong sariling tatak," dagdag pa nito kaya naman tutulong na sanang sumagot ni Vilma ngunit pinigilan siya ni Boyet.

Kaya naman nang sabihin na ng dalawa na prank lamang ito, naluha sa gulat si Ate Vi.

Read also

Iwa Moto at Pampi Lacson, nagpa-Acudetox kay Jodi Sta. Maria

"First time I saw him like that. In 40 plus years. Inabutan ko na ang lahat ng kalokohan ni Yet but first time I saw him like that parang insulting someone, parang iniinsulto ka niya galit na galit siya sa'yo. Ang simple-simple naman ng tanong mo. Ang iniisip ko lang, saan siya nanggagaling? Bakit siya gano'n kagalit? Tapos siyempre, kakampihan ko siya tapos sinabi pa sa'kin, 'no Vi'"

Narito ang kabuuan ng makulit na interview ni Ogie kina Vilma sa Boyet mula sa Ogie Diaz inspires channel:

Si Vilma Santos Recto ay isa sa mga batikan at respetadong aktres sa Pilipinas. Siya ang tinaguriang "Star For All Seasons" sa showbiz. Si Vilma ang ina ng kilalang aktor at TV host na si Luis Manzano. Ikinasal si Vilma kay dating senator at ngayo'y Deputy Speaker of the House of Representatives of the Philippines na si Ralph Recto noong 1992. Nabiyayaan sila ng isang anak na si Ryan. Pinasok din ni Vilma ang mundo ng public service sa lugar nila sa Batangas.

Read also

Ogie D sa pagkaka-link ni Moira kay Daniel: "According sa kausap ko, imposible daw 'yun"

Samantala, labis ang kasiyahan ni Vilma nang mabiyayaan na rin siya ng apo na si Baby Peanut, ang anak nina Luis at Jessy Mendiola. Madalas niyang maibida ang apo lalo na kapag kanila itong nakakasama.

Sa ngayon, excited ang mga Vilmanian sa bagong pelikula ng kanilang idolo na "When I met you in Japan." Ito ay isang Metro Manila Film Festival entry kung saan kasama niya si Christopher De Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel