Iwa Moto at Pampi Lacson, nagpa-Acudetox kay Jodi Sta. Maria

Iwa Moto at Pampi Lacson, nagpa-Acudetox kay Jodi Sta. Maria

- Ibinida ni Iwa Moto ang video ng pagpapa-Acudetox niya kay Jodi Sta. Maria

- Bukod kay Iwa, maging si Pampi Lacson ay nagpa- AcuDetox din kay Jodi

- Habang nilalagay ni Jodi ang mga acupuncture needles ay napatanong pa si Iwa kung expert na daw ba siya

- Sagot naman ni Jodi, dapat ay matakot si Iwa kung hindi pa siya expert dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Iwa Moto ang video ng pag-AcuDetox ni Jodi Sta. maria hindi lang sa kanya kundi maging kay Pampi Lacson. Ang AcuDetox ay gumagamit ng acupuncture needles sa limang points sa bawat tenga.

Iwa Moto at Pampi Lacson, nagpa-Acudetox kay Jodi Sta. Maria
Iwa Moto at Pampi Lacson, nagpa-Acudetox kay Jodi Sta. Maria
Source: Instagram

Marami naman ang natuwa sa closeness nila. maging si Jodi at Pampi ay tila malapit din na magkaibigan. Narito ang ilang mga komento:

Salute po sainyong lahat sa magandang relationship nyo for your children. Grabe sacrifice nyong lahat

Read also

Iwa Moto, ibinida ang masayang bonding ng kanyang anak at ninang nitong si Jodi Sta. Maria

Loveittt the relationship na meron kayo. I'm curious sino po mas chikadora sainyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Cute ng bonding nila ito yung dalawa na hindi nag aaway talaga ang ganda ng samahan swerte ni thirdy kasi myron siyang dalawang mommy

Si Iwa Moto ay isang aktres na unang nakilala sa reality talent search ng GMA-7, ang Starstruck kung saan hinirang siyang 1st Runner up sa 3rd season nito. Ang kanyang partner na si Pampi Lacson ay may anak din kay Jodi Sta. Maria. Marami ang natutuwa sa magandang samahan nina Iwa at ex ni Pampi na si Jodi. Sa katunayan, may mga pagkakataon na namamataan silang magkasama.

Hindi minasama ni Jodi Sta. Maria ang pag-post ni Iwa sa video ng anak niyang si Thirdy Lacson na nag-over-the-bakod. Ani Jodi, naniniwala siyang walang masamang intensiyon si Iwa sa kanyang pag-post. Dagdag pa niya, magkaibigan sila ni Iwa at sa tingin niya ay cute at funny ang video na ito ni Thirdy. Sina Iwa at Jodi ay hinahangaan ng marami dahil sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan sa kabila ng kanilang kalagayan.

Read also

Jennica Garcia, pinag-sampol ang nanay ng movie lines nito: "Na-tonta tuloy ako ng nanay ko"

Nagbahagi si Iwa ng isang appreciation post para sa kanyang asawang si Pampi Lacson. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting ama sa kanilang mga anak at isang mabuting asawa sa kanya. Aniya sa kabila ng mga pinagdaanan nila ay nanatili silang magkasama at palagi umano siyang mananatili sa tabi ni Pampi. Alam niya daw na marami pa silang kakaharapin ngunit aniya ay palagi niyang pipiliin si Pampi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel