Ogie D sa kontrobersiya nina Rob at Herlene: "The more you talk, the more mistakes"

Ogie D sa kontrobersiya nina Rob at Herlene: "The more you talk, the more mistakes"

- Nagbigay pahayag si Ogie Dias kaugnay sa kontrobersyal na screenshots umano ng palitan ng text nina Herlene Budol at Rob Gomez

- Ang dalawa ay pawang mga artista ng teleseryeng 'Magandang Dilag'

- Ani Ogie, dapat umanong maging consistent ang dalawa sa mga inilalabas nitong pahayag

- Kamakailan ay lumabas mismo sa socmed account ni Rob ang 'di umano'y screenshot ng convo nila ni Herlene maging ni Bianca Manalo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalatakay nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs ngayong bisperas ng Kapaskuhan ay ang tungkol sa kontrobersiyal na screenshot ng 'di umano'y palitan ng text nina Herlene Budol at Rob Gomez.

Ogie D sa kontrobersiya nina Rob at Herlene: "The more you talk, the more mistakes
Rob Gomez and Herlene Budol (Herlene Budol)
Source: Facebook

Ang dalawa ay pawang mga artista ng serye sa GMA, ang Magandang Dilag. Matatandaang saglit na nai-post sa social media ni Rob.

Read also

Ogie D sa pagkaka-link ni Moira kay Daniel: "According sa kausap ko, imposible daw 'yun"

Matapos ito, kabi-kabilang pahayag naman ang inilabas nina Rob at Herlene ukol dito. Isa na rito ang nabanggit ni Herlene na tila bahagi lamang ito ng batuhan ng linya sa script.

"Bakit kayo magbabatuhan ng linya thru text? Kukuna ba 'yun sa eksena na oy, magbatuhan kayo ng linya papakita namin mga cellphone niyo, naghaharutan kayo"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kaya naloloka ako Loi. Meron pa lang ganun ano? 35 years na ako dito in the industry. Wala naman akong ganyang balita. Thru text nagre-rehearse kayo. Nagsasagutan kayo. Pwede kayong mag-ano sa phone. Oy, anong sinasabi mo? Oy, hind 'yan yung line mo."

Payo ni Ogie, sana'y maging consistent ang dalawa sa kanilang sinasabi lalo na at mas lalo umanong nakikita ng publiko ang mali nina Rob at Herlene kung tila itatanggi nila ang naturang mga screenshot.

Read also

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

"Mas nagkakamali pa sila e. Mas nakikita pa 'yung pagkakamali nila kasi defensive sila. So dapat mag-ano na lang sila, manahimik. 'Wag nang magsalita. The more you talk, the more mistakes. Kaya sana, consistent sila. Maging consistent sila"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie, Mama Loi at Tita Jegs mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Matapos suungin ang pagiging isang beauty queen kung saan marami siyang pagsubok na hinarap, Napasok naman niya ang mundo ng Showbiz. Ilan sa naging proyekto ni Herlene ang 'Magandang Dilag' at 'Black Rider.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel