Annabelle Rama, namangha sa mansyon nina Manny Pacquiao

Annabelle Rama, namangha sa mansyon nina Manny Pacquiao

- Bilib na bilib si Annabelle Rama sa pinakabagong mansiyon ng mag-asawang Manny Pacquiao at Jinky Pacquiao

- Aniya, hindi pa daw niya natapos ang paglilibot sa mansyon ng mag-asawa dahil sa laki nito

- Hiningal daw siya sa sa sobrang lawak ng property na may sukat na 20,000sqm

- Nasabi din ni Tita Annabelle na ito daw ang 'the best' na bahay na kanyang nakita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bilib na bilib si Anabelle Rama sa bagong mansyon ng mag-asawang Manny at Jinky Pacquiao. Sa sobrang lawak daw ng property na matatagpuan sa General Santos, ay hindi daw niya ito natapos libutin.

Annabelle Rama, namangha sa mansyon nina Manny Pacquiao
Annabelle Rama, namangha sa mansyon nina Manny Pacquiao
Source: Facebook
"Hindi ko pa natapos pinag pawisan ako at hiningal sa sobrang laki. 20,000sqm ba naman ang buong area ng mansion nila kasama pati garden at bulwagan. Hindi pa ako naka ikot sa bulwagan and 3 bedroom guest house sa may river area kasi merong napaka habang tunnel para pumunta doon."

Read also

Janno Gibbs, humiling ng privacy sa kanilang pagluluksa

Ito daw ang best house na nakita niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"The best house na nakita ko. Mga gamit at materyales sobrang bongga at mamahalin."

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang "My Monster Mom" kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel