Elijah Canlas at Miles Ocampo, nagkasama sa #MMFF2023 Parade of Stars

Elijah Canlas at Miles Ocampo, nagkasama sa #MMFF2023 Parade of Stars

- Nagkita sina Elijah Canlas at Miles Ocampo sa stage bago magsimula ang #MMFF2023 Parade of Stars

- Nagbatian naman ang dalawa ngunit saglit lang din ito dahil kinalaunan ay pumunta na sa kanyang pwesto si Miles

- Matatandaang kamakailan ay inamin ni Elijah sa isang panayam na hiwalay na sila ni Miles

- Hindi naman na naglabas ng pahayag si Miles tungkol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkasama sina Elijah Canlas at Miles Ocampo sa stage bago tuluyang magsimula ang #MMFF2023 Parade of Stars. Nagkabatian naman ang dating magkasintahan.

Elijah Canlas at Miles Ocampo, nagasama sa #MMFF2023 Parade of Stars
Elijah Canlas at Miles Ocampo, nagasama sa #MMFF2023 Parade of Stars
Source: Twitter

Gayunpaman, hindi rin nagtagal at lumipat na ng pwesto si Miles. Kamakailan nga ay inamin ni Elijah na hiwalay na sila ni Miles.

Ito ang kauna-unahang video nilang dalawa na magkasama simula nang isapubliko ni Elijah ang tungkol sa paghihiwalay nila.

Read also

Annabelle Rama, namangha sa mansyon nina Manny Pacquiao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Camille Tan Hojilla o mas kilala bilang si Miles Ocampo ay isang Filipina actress, model, writer at TV host. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN youth-oriented gag show na Goin' Bulilit. Bago siya naging CAM talent isa siyang Star Magic talent. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Matatandaang hindi napigilan ni Miles na maluha dahil sa kabi-kabilang papuring natatanggap niya sa pagganap sa 'Batang Quiapo'. Matatandaang sa Pilot episode ng nasabing serye, isa sa binigyang puri ang husay sa pag-arte ni Miles. Aniya, weakness niya raw umano ang mga nagsasabing na-appreciate siya ng mga tao lalo na at binibigay niya talaga ang lahat pagdating sa pag-arte. Talagang nagtrending ang kanyang pagganap na serye na hanggang ngayon, nakababasa pa rin umano siya ng mga papuri sa kanya sa Batang Quiapo.

Read also

Batikang aktor na si Ronaldo Valdez, pumanaw na sa edad na 76

Matatandaang naibahagi ni Miles sa kanyang guesting sa 'Magandang buhay' ang naging health emergency niya kung saan kinailangan niyang magpaopera. Ani Miles, mabuti at naagapan niya at nakapagpaopera kaagad dahil maari umanong lumala ang kanyang kondisyon na may kinalaman sa kanyang thyroid. Naging palaisipan umano sa kanya noong palagi siyang hinihingal at nadadagdagan ang timbang niya kahit aniya ay ginagawa naman niya ang dapat niyang gawin. Kaya naman, napagpasyahan niyang magpasuri at doon nasabi sa kanya na kailangan niya nang magpaopera kaagad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel