Batikang aktor na si Ronaldo Valdez, pumanaw na sa edad na 76

Batikang aktor na si Ronaldo Valdez, pumanaw na sa edad na 76

- Pumanaw na ang batikang aktor na si Ronaldo Valdez

- Kinumpirma ito ng kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz

- Marami ang nagluluksa sa kanyang pagpanaw sa edad na 76 taong gulang

- Matatandaang isa sa pinakahuling serye na kanyang ginawa ay kasama ang KathNiel sa "Too Good To Be True"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagluluksa ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez. Pumanaw siya sa edad na 76.

Batikang aktor na si Ronaldo Valdez, pumanaw na sa edad na 77
Batikang aktor na si Ronaldo Valdez, pumanaw na sa edad na 77
Source: Instagram

Sa ulat ng Abante news, kinumpirma umano ng malapit na kaibigan ng aktor ang tungkol sa pagpanaw niya. Matatandaang isa sa pinakahuling serye na kanyang ginawa ay kasama ang KathNiel sa Too Good To Be True.

Kaya naman, marami sa KathNiel fans ang nalungkot sa balitang ito na kasunod lang din ng usap-usapang paghihiwalay ng KathNiel.

Read also

2 QCPD police, sibak kaugnay sa pagkalat ng video ng pagresponde kay Ronaldo Valdez

Grabe kana 2023. Break na kathniel tas namatay pa si Ronaldo Valdez isa sa pinakamalapit sa puso ni Kathryn.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

RIP SIR RONALDO VALDEZ. Puro heartbreak ang dala ng Q4 ng 2023. Nakakashock! Prayers to the family of sir Ronaldo Valdez.
OMG. Mr. Ronaldo Valdez for real? Lolo Sirrr! Ang lungkot lungkot naman!

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon.Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Matatandaang inamin ni Janno na minura talaga niya ang dating katrabahong si KitKat Favia. Ikinuwento niyang pwede silang makabalik sa show kung makakapag-ayos sila ni KitKat. Kaya naman dalawang linggo umanong sinubukan niyang makipag-ayos kay KitKat ngunit ayaw na umano niya talaga. Bago lumabas ang kanilang mga post ay pinag-meeting sila at humingi ng dispensa si Janno ngunit hindi umano humingi ng dispensa sa kanya si Kitkat.

Read also

Manager ni Ronaldo Valdez sa nagkalat ng video ng pagresponde sa aktor: "Mga walang respeto"

Kamakailan ay binahagi ni Rendon Labador ang video na kuha sa kanyang guesting sa One News Channel sa programang The Mens Room. Makikita sa kanyang video ang pagdidiskusyon nila nang tila nagkainitan at nag-walkout si Janno. Lingid sa kaalaman ng host na si Stanley ay napagkaisahan pala siya nina Rendon at Janno na i-prank. Sa huling bahagi ng video ay bumalik si Janno at itinuloy ang kanilang talakayan sa programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel