Ogie, dinipensahan ang ina ni Andrea: "Kelan ba naging krimen 'yung pagtulong sa pamilya?"

Ogie, dinipensahan ang ina ni Andrea: "Kelan ba naging krimen 'yung pagtulong sa pamilya?"

- Dinipensahan ni Ogie Diaz ang ina ni Andrea Brillantes kaugnay sa naging reply nito sa isang netizen

- Patungkol ito sa kung ano ang nagawa ni Andrea sa kanyang pamilya

- Tulad ng pagpapaaral sa mga kapatid at pagpapatayo ng kanilang bahay

- Wala umano siyang nakikitang mali sa pagtulong ni Andrea sa kanyang pamilya kahit pa sinasabi umano ng netizens na dapat magulang ang gumagawa nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Ogie Diaz na nais umano niyang sawsawan ang kamakailan ay naging isyu sa ina ni Andrea Brillantes.

Ogie, dinipensahan ang ina ni Andrea: "Kelan ba naging krimen 'yung pagtulong sa pamilya?"
Ogie, dinipensahan ang ina ni Andrea: "Kelan ba naging krimen 'yung pagtulong sa pamilya?" (@blythe)
Source: Instagram

Matatandaang gaumawa ito ng ingay kamakailan matapos na sumagot sa isang netizen na nagtanong kung papaano raw nito pinalaki si Andrea.

Sinabi ng nanay ni Blythe na napag-aral nito ang mga kapatid, naipagpatayo sila ng bahay at mayroon na ring sariling negosyo.

Read also

Ogie D, nakausap ang kaibigan ni Richard: "Kung malalaman ko lang daw ang katotohanan"

Tila nabatikos ito ng ilang netizens na nagsasabing dapat ay magulang mga gumagawa nito para sa anak at iba pa nilang komento.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Bago ang lahat Loi gusto kong sumawsaw sa issue ng bakit daw ipinagmamalaki ng nanay ni Andrea na napag-aral ni Andrea ang mga kapatid, naipagpatayo sila ng bahay. bakit naman ang hindi? Kasi nga sinasabi nila, ang mga magulang ang nagpoprovide sa mga anak. At kung magkakaroon naman ng mga ganun ang mga anak, para sa kanila mismo at hindi para sa mga magulang."
"Jusko. Kelan ba naging krimen, pangit o hindi maganda 'yung pagtulong sa pamilya? Jusko naman. Nanay naman ni Andrea 'yun. Kung meron man siyang pamilyang binubuhay, ano naman ang pakialam natin?"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Read also

Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"

Kamakailan, nabanggit ni Cristy Fermin na umano'y naaawa siya kay Andrea Brillantes dahil sa kung ano-ano na ang bansag sa kanya ng publiko.

Matatandaang ipinagtanggol pa 'di umano ni Cristy Fermin si Andrea na siyang naiuugnay 'di umano sa hiwalayan ng Kathniel. Tila nakiusap siya sa publiko na sana'y huwag nang idamay pa si Blythe sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica