Annabelle Rama, sinabing nagkausap na sila ni Cristy Fermin: "Lumambot ang puso ko sa kanya"

Annabelle Rama, sinabing nagkausap na sila ni Cristy Fermin: "Lumambot ang puso ko sa kanya"

- Binahagi ni Annabelle Rama sa isang post na nagkausap na sila ni Cristy Fermin

- Sa kabila daw ng mga pang-iintriga sa kanila, nakatanggap daw siya ng mga text mula sa kanyang mga kaibigan na nagsasabing pinagtanggol siya ni Cristy Fermin

- Napabalik-tanaw pa si Annabelle sa naging away nila noon nang ipagtanggol naman niya ang anak na si Ruffa at humantong pa daw ito sa demandahan

- Lumambot daw ang puso niya para kay Cristy at tinawagan niya ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Annabelle Rama si Cristy Fermin sa pagtatanggol nito sa kanya. Sa post ni Annabelle, nabanggit niyang nakapag-usap daw sila ng showbiz reporter na nakaaway niya noon.

Annabelle Rama, sinabing nagkausap na sila ni Cristy Fermin: "Lumambot ang puso ko sa kanya"
Annabelle Rama, sinabing nagkausap na sila ni Cristy Fermin: "Lumambot ang puso ko sa kanya"
Source: Instagram

Ani Annabelle, mas pinili niyang manahimik sa isyu at nang magising siya ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang mga kaibigan tungkol sa magagandang sinabi ni Cristy sa kanya.

Read also

Ogie, dinipensahan ang ina ni Andrea: "Kelan ba naging krimen 'yung pagtulong sa pamilya?"

Pag gising ko kaninang umaga maraming text ako natanggap at mga missed calls from my friends na tunay na nakaka kilala at nag mamahal sa akin. At sabi nila ay may maganda daw silang nabasa sa facebook na sinulat ng number one kong kalaban at pinagtatanggol ako this time. Di ako naniwala at baka kako fake news na naman at ginamit lang ang pangalan niya.

Napabalik-tanaw pa si Annabelle sa naging away nila noon nang ipagtanggol naman niya ang anak na si Ruffa at humantong pa daw ito sa demandahan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Siguro mga 25years ago, nag katapat na kami nyan, dahil naman sa pag tatanggol ko kay Ruffa. Grabe away namin noon, nag ka demandahan pa kami hanggang sa supreme court. After that incident, iniwasan ko na sya dahil ayaw ko na siya makita.

Read also

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

Hindi na daw niya kinulit ito nang i-text niya siya kaugnay sa mga binalita nito tungkol sa mag-asawang Manny at Jinky Pacquiao. Aminado siyang lumambot ang puso niya sa dating nakaaway.

This time lumambot ang puso ko sa kanya, dahil nanay rin siya at may mga anak rin at alam nya na tama ang ginagawa ko sa pag kampi ko sa anak ko, kaya nya ako naintindihan.

Nag-sorry din siya sa kanyang mga nasabi at nagpasalamat.

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang "My Monster Mom" kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Read also

Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate