Harlene Bautista at Romnick Sarmenta, nagkasamang muli sa 18th birthday ng anak nila

Harlene Bautista at Romnick Sarmenta, nagkasamang muli sa 18th birthday ng anak nila

- Nagdiwang ng ika-18 na kaarawan ang anak ng dating mag-asawang sina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta

- Binahagi ng Nice Print Photography & Exige Weddings ang ilan sa mga pictures at videos ng naganap na celebration

- Muling nagkasama sina Romnick at Harlene sa kaarawan ng kanilang anak

- Samantala, bukod kay Romnick ay nakasayaw din ni Bo Bautista ang kasalukuyang partner ng kanyang mommy na si Federico Moreno

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagdiwang ng ika-18 na kaarawan si Bo Bautista, anak nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta. Binahagi ng Nice Print Photography & Exige Weddings ang ilan sa mga pictures at videos ng naganap na celebration kung saan muling nagisnang magkasama ang dating mag-asawa.

Harlene Bautista at Romnick Sarmenta, nagkasamang muli sa 18th birthday ng anak nila
Harlene Bautista at Romnick Sarmenta, nagkasamang muli sa 18th birthday ng anak nila (Nice Print Photography & Exige Weddings)
Source: Facebook

Bukod kay Romnick ay nakasayaw din ni Bo Bautista ang kasalukuyang partner ng kanyang mommy na si Federico Moreno.

Read also

Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanyang bagong sasakyan

Maarami naman ang nakapansin sa artistahing anak nila na unti-unti na ring pumapasok sa mundo ng showbiz. Narito ang ilan sa mga komento:

Ang ganda parang Barbie po...Happy Birthday!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hala siya, napakaganda naman ng anak ni Romnick at Harlene, may nanalo na... maligaya at mapagpalang kaarawan sa yo....
Grabe halong halo sa mukha ng parents, tas si Romnick at Harlene magkamukha din

Si Romeo Nicolas Sarmenta Tejedor o mas kilala sa kanyang screen name na Romnick Sarmenta ay isang aktor at film producer. Nakilala siya bilang isa sa mga prominenteng matinee idols noong dekada 80 at 90.

Matatandaang pinuri ni Lolit Solis si Romnick sa kanyang positibong pananaw pagdating sa kanyang trabaho. Sinang-ayunan din ng beteranong kolumnista sa pananaw nito na 'happiness is a choice. Aniya, naniniwala ang aktor na normal ang kanyang buhay kahit bata pa ito nagsimulang magtrabaho. Aniya kahit noong bata pa ito ay masaya si Romnick sa trabaho at itinuring na playground ang set.

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

Samantala, hahingan ng pahayag si Romnick patungkol sa hiwalayan ng Kathniel. Matatandaang si Romnick ang gumanap bilang si Fred na ama ni Daniel Padilla sa "2 Good 2 be true." Aniya, parang mga tunay na anak ang turing niya sa mga ito kaya naman maging siya ay nasaktan sa nangyari. Nilinaw naman ni Romnick na wala umano siyang kinakampihan sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel