Romnick Sarmenta sa hiwalayan ng Kathniel: "Wala akong kinakampihan"

Romnick Sarmenta sa hiwalayan ng Kathniel: "Wala akong kinakampihan"

- Nahingan ng pahayag ang aktor na si Romnick Sarmenta patungkol sa hiwalayan ng Kathniel

- Matatandaang si Romnick ang gumanap bilang si Fred na ama ni Daniel Padilla sa "2 Good 2 be true"

- Aniya, parang mga tunay na anak ang turing niya sa mga ito kaya naman maging siya ay nasaktan sa nangyari

- Nilinaw naman ni Romnick na wala umano siyang kinakampihan sa dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapanayam ng ABS-CBN reporter na MJ Felipe ang aktor na si Romnick Sarmenta patungkol sa hiwalayan ng KathNiel.

Romnick Sarmenta sa hiwalayan ng Kathniel: "Wala akong kinakampihan"
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (@supremo_dp on Instagram)
Source: Instagram

Matatandaang gumanap bilang ama ni Daniel Padilla si Romnick sa huling seryeng pinagsamahan ng Kathniel, ang 2 good 2 be true.

Kaya naman masasabing napalapit na rin sa kanya ang dalawa na parang tunay niyang mga anak.

Read also

Cristy Fermin, may maanghang na sinabi ukol kay Karla Estrada: "Pinalabas po akong sinungaling"

"That's sad. As other people would think, it's probably heartbreaking. To me, they're like my kids. Sincerely they're like my kids. Daniel and Kathryn are... I've worked with a lot of people, but these two have endear themselves to me, the way I didn't think was possible in this industry. Only because they are genuinely sincere people."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I feel hurt, in a way a father would feel about his daughter or his son. Kasi pareho silang mabait e. And forgive If I have a comment but my comment is like I said like a father."

Gayunpaman, nilinaw ni Romnick na wala siyang pinapanigan kina Kathryn at Daniel sa desisyong tila pinagkasunduan naman umano ng dalawa.

"I think it's safe to say na wala akong kinakampihan pero pareho nila akong kakampi."

Read also

Lolit Solis, pinuna ang umano’y pag-endorse ni Marian Rivera ng 3 lotion brands

"I love them both, whatever it is they are going thru, whether this turns out to be one of those humps or it turns out to be life changing in any way. I just wantt them to know na ako siguro yung isa sa mga taong pwede nilang makatabi nang wala silang kailangan na ikwento. And I would still care for both of them the same way."

Narito ang kabuuan ng panayam ni MJ Felipe kay Romnick mula sa ABS-CBN News Facebook:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Read also

Gillian Vicencio debunked Daniel Padilla rumors back in Sept interview with DJ Jhaiho

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel