Heart Evangelista, nagbahagi ng picture ng kanyang bouquet: "10 more days to go"

Heart Evangelista, nagbahagi ng picture ng kanyang bouquet: "10 more days to go"

- Binahagi ni Heart Evangelista ang picture ng isang luxurious bouquet na tadtad ng nagkikislapang bato at crystals na mula sa fashion designer na si Elie Saab

- Nauna na ring lumabas ang invitation sa renewal of vows nina Heart at ng asawang si Chiz Escudero

- Nakatakip ang petsa sa naturang invitation ngunit sa post ni Heart ay may pa-countdown ito sa aniya'y Chapter 2 nila ng mister

- Sa darating na February 15 ay magdiriwang ng kanilang wedding anniversary sina Heart at Chiz

Nag-post si Heart Evangelista ng picture ng isang luxurious bouquet na tadtad ng nagkikislapang bato at crystals. Walang binanggit na petsa si Heart ngunit may pa-countdown ito sa aniya'y Chapter 2 nila ng mister.

Heart Evangelista, nagbahagi ng picture ng kanyang bouquet: "10 more days to go"
Heart Evangelista, nagbahagi ng picture ng kanyang bouquet: "10 more days to go"
Source: Instagram

Nauna na ring lumabas ang screenshot ng umano'y invitation ng kanilang renewal of vows. Makikita sa kanyang post ang caption tungkol sa bouquet na gawa ng fashion designer na si Elie Saab.

Read also

Kathryn Bernardo, nagpaliwanag tungkol sa viral pictures nila ni Jericho Rosales

She said “ flowers please “ he said “ couture “ @eliesaabworld , thank you for my beautiful gift

Base sa caption, sampung araw na lang at magaganap na ang Chapter 2 ng mag-asawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

10 more days to go #chizheart #chapter2

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Ina ni Heart Evangelista, umano'y dadalo na sa muling pagpapakasal nina Heart at Chiz

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel