Ina ni Heart Evangelista, umano'y dadalo na sa muling pagpapakasal nina Heart at Chiz

Ina ni Heart Evangelista, umano'y dadalo na sa muling pagpapakasal nina Heart at Chiz

- Dadalo na raw umano ang ina ni Heart Evangelista sa renewal of vows ng anak kay Chiz Escudero

- Matatandaang hindi nakadalo ang ina ni Heart sa pagpapakasal nito kay Chiz, 10 taon na ang nakararaan

- Minsan nang umugong ang balitang 'di pagkakaunawaan ng dalawa noong nakaraang taon

- Subalit sila rin mismo ang nagpatunay na wala itong katotohanan dahil sa muli nilang pagsasama sa mga pictures at video post ni Heart

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit ni Mama Loi ang nabalitaang dadalo na si Cecilia Ongpauco sa muling pagpapakasal ng anak na si Heart Evangelista kay Chiz Escudero.

Ina ni Heart Evangelista, umano'y dadalo na sa muling pagpapakasal nina Heart at Chiz
Chiz Escudero and Heart Evangelista (@iamhearte)
Source: Instagram

Gaganapin ito sa Pebrero 15, sa eksaktong ikasampung taong anibersaryo nina Heart at Chiz.

Hindi tulad ng naunang nilang kasalan, dadalo na raw ngayon ang pamilya ni Heart.

"'Di ba 10 years ago, may issues. 'Di ba, 'yung hindi nakarating 'yung parents ni Heart 'dun sa wedding. This time, aattend 'yung mama ni Heart," pahayag ni Mama Loi.

Read also

Cristy kay Bea Alonzo tungkol sa kasalan: "'Pag tinatanong walang sinasabi, ay nakakatakot 'yun"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Matatandaang noong nakaraang taong 2023 ay umugong ang balitang pagkakalabuan umano nila ni Chiz subalit hindi nagtagal, sila rin mismo ang nagpatunay na wala itong katotohanan dahil sa muli niyang pagpo-post ng pictures at reels na kasama ang mister.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Juliana, game bumalik sa It's Showtime; nag-sorry na kay Vice: "Nag-reach out ako sa kanya"

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel