Vice Ganda, pumalag sa nagsabing umasa ang nanay niya sa kanya

Vice Ganda, pumalag sa nagsabing umasa ang nanay niya sa kanya

- Sinagot ni Vice Ganda ang isang netizen na nabanggit ang nanay niya nang sabihin nito ang mga nanay ng artistang umasa daw sa anak

- Ani Vice Ganda, hindi umasa ang kanyang nanay sa kanya at nagtrabaho sa ibang bansa para may maipadala sa kanila

- Dagdag pa ni Vice Ganda, ang kanyang Nanay Rosario ay mayroong ipon at hiniling niyang huwag isasali ang nanay niya sa mga diskusyon nila

- Ang pinagdiskusyunan ng netizen na ito at isa pang X user ay ang naging pahayag ng nanay ni Andrea Brillantes kaugnay sa nagawa ng anak niya para sa pamilya nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang isang netizen na binaggit pati ang nanay ni Vice bilang isa daw sa mga nanay ng artista na umasa sa mga anak nila. Ani Vice, nagpakabayani ang nanay niya sa ibang bansa para may maipadala sa kanila.

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

Vice Ganda, pumalag sa nagsabing umasa ang nanay niya sa kanya
Vice Ganda, pumalag sa nagsabing umasa ang nanay niya sa kanya
Source: Instagram
Ahhhhhhhh excuse me! Never umasa sakin ang Nanay ko. Nagpakabayani sya sa ibang bansa para magkapagpadala sa amin sa Pinas at makaraos kami. May ipon ang Nanay ko. Wag mo syang isali sa kung anumang diskusyon nyo!

Ang diskusyon na pinagmulan ng post na ito sa X ay ang komento tungkol sa naging pahayag ng nanay ni Andrea Brillantes kaugnay sa nagawa ng anak niya para sa pamilya nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Vice Ganda sa Kathniel breakup: "God bless the broken hearts"

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel