Vic Sotto: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga"

Vic Sotto: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga"

- Naghiyawan ang hosts ng E.A.T. matapos ang pahayag ni Vic Sotto sa ginanap na presscon ng TVJ

- Ito ay kasunod ng paglabas ng desisyon ng IPOPH na kanselahin ang trademark ng TAPE, Inc sa titulong Eat Bulaga at EB

- Ani Vic na kilala din sa tawag na bossing, mula noong unang araw nila sa TV5, sinabi nila na ang title nila ay ang title na alam ng mga tao na tawag sa kanila

- Dagdag pa niya bali-baliktarin man ang mundo, ang programa nila ang 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang nakipag-usap sa press ang TVJ sa ginanap na presscon nila. Ito ay kasunod ng paglabas ng desisyon ng IPOPH na kanselahin ang trademark ng TAPE, Inc sa titulong Eat Bulaga at EB.

Vic Sotto: "Bali-baliktarinan man ang mundo, ito ang Eat Bulaga"
Vic Sotto: "Bali-baliktarinan man ang mundo, ito ang Eat Bulaga"
Source: Twitter

Umani ng komento ang video clip kung saan nagbahagi ng kanyang komento si Vic Sotto. Ani Vic na kilala din sa tawag na bossing, mula noong unang araw nila sa TV5, sinabi nila na ang title nila ay ang title na alam ng mga tao na tawag sa kanila.

Read also

Paolo Contis: "Mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin legally, wala pang final"

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga hosts nang sabihin niyang "Bali-baliktarinan man ang mundo, ito ang Eat Bulaga."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.

Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.

Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate