PK sa mga nagsabing dinoktor nila ang Cenomar: "Kayo po ang kailangan magpa-doktor"

PK sa mga nagsabing dinoktor nila ang Cenomar: "Kayo po ang kailangan magpa-doktor"

- Pinakita ni Pambansang Kolokoy ang Certificate of No Marriage Record (CENOMAR) niya na isa sa mga requirements para sa pagpapakasal

- Sinagot niya ang mga komento na nagsabing pinadoktor nila ang Cenomar na naibahagi daw nila sa Facebook

- Ani PK, sa tingin niya ang mga taong nagsasabi nito ang kailangan na magpa-doktor

- Nabanggit din ni PK na pangarap niya noon pa na makasal sa simbahan at maraming mga tao na dadalo sa kasal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Pambansang Kolokoy ang komentong pinadoktor daw nila ang Cenomar na kanilang naibahagi kamakailan sa Facebook. Masaya siya na pinakita ang dokumento para sa pagpapakasal nila ng kanyang kasalukuyang karelasyon.

PK sa mga nagsabing dinoktor nila ang Cenomar: "Kayo po ang kailangan magpa-doktor"
PK sa mga nagsabing dinoktor nila ang Cenomar: "Kayo po ang kailangan magpa-doktor"
Source: Youtube

Aniya, sa kanyang palagay ay ang mga taong nagsabi nito ang kailangan magpa-doktor.

Pinost yan sa Facebook. Tapos syempre, marami nagsasabi na pinadoktor daw namin. Ano to Recto? Alam niyo, sa mga nagsasabi na pinadoktor namin ang cenomar, sa tingin ko po kayo po ang kailangan magpa-doktor.

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

Nabanggit din ni PK na pangarap niya noon pa na makasal sa simbahan at maraming mga tao na dadalo sa kasal.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Yun yung pangarap ko dati. Yung ikasal ako sa simbahan tapos maraming mga tao, mga abay. Siyempre dapat mas pogi ako sa mga abay. Tapos yung bride ko dapat siyang pinaka mas maganda sa lahat ng mga brides maid niya kaya dapat lahat ng bridesmaid na kukunin natin, pangit.

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang naglabas si Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta.' Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya. Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice.

Read also

Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"

Samantala, nakasama ni Pambansang Kolokoy ang kanyang mama sa kanyang vlog. Sa intro ng kanyang vldeo ay sinabi ng mag-ina dahil may mga gusto daw siyang linawin sa mga lumabas na bali-balita. Gayunpaman, hindi din naman natuloy ang kanyang pagsasalita dahil tinawag siya at hindi na bumalik sa video. Natapos ang vlog ni PK na kasama niya ang anak niyang si Baby Juju at nag-mukbang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate