Sarina Hilario, umani ng papuri sa panibago niyang unboxing video

Sarina Hilario, umani ng papuri sa panibago niyang unboxing video

- Kinaaliwan si Sarina Hilario sa kanyang panibagong unboxing video na naibahagi sa kanyang social media accounts

- Sa kanyang murang edad ay marami ang naaaliw at nag-aabang sa kanyang mga video kung saan iba't-ibang laruan ang kanyang pinapakita sa kanyang mga unboxing videos

- Muli ay kinabiliban ang kanyang pagiging bibo at pagiging matatas sa pagsasalita at paghahayag ng kanyang damdamin

- Dumarami na rin ang kanyang mga followers dahil sa kanyang mga nakakaaliw na videos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umani ng komento ang panibagong unboxing video ni Sarina Hilario. Kinaaliwan ang kanyang reaksiyon nang makita ang kanyang bagong laruan.

Sarina Hilario, umani ng papuri sa panibago niyang unboxing video
Sarina Hilario, umani ng papuri sa panibago niyang unboxing video
Source: Instagram

Sa kanyang bagong unboxing video ay nakasuot siya ng blue na gown. Dalawang bagong manika ang kanyang binuksan at hindi nito maitago ang kanyang tuwa sa bagong mga laruan.

Read also

Sofia Andres, usap-usapan dahil sa kanyang IG stories

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Sarina you're so cute.you know you make me smile everytime i watch your video.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

OMG. how old are you again Sarina? You speak very well. Napaka smart naman.
Hello Sari Nakita na Naman kita Ang cute mo at natutuwa ako Sayo

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Vice Ganda sa Kathniel breakup: "God bless the broken hearts"

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel