Bea Alonzo sa proposal ni Dominic: "Hindi pala ako nakapag-yes"

Bea Alonzo sa proposal ni Dominic: "Hindi pala ako nakapag-yes"

- Naikwento ni Bea Alonzo ang ilan pang detalye ng naging marriage proposal sa kanya ni Dominic Roque

- Aniya, hindi pala siya umano nakapagsabi ng 'yes' gayung niyakap na agad niya si Dominic habang umiiyak

- Nabanggit din ni Bea na sa paparating na taong 2024 na sila magpapakasal ni Dominic

- Matatandaang naikwento ni Bea na minsan na siyang 'di naniwala sa kasal hanggang sa dumating ang umano'y tamang tao para sa kanya kaya't nabago umano ang kanyang pananaw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging panauhin ni Ivan Alawi sa kanyang YouTube channel si Bea Alonzo. Doon, naikwento ni Bea ang nakakatuwang kaganapan sa marriage proposal sa kanya ni Dominic Roque.

Bea Alonzo sa proposal ni Dominic: "Hindi pala ako nakapag-yes"
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Facebook

Ani Bea, tila hindi na pala siya umano nakasagot ng 'yes' kay Dominic na noo'y agad niyang niyakap habang siya ay umiiyak.

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

"Sa 22 years ko sa showbiz, ang dami ko nang proposal scenes never palang tama yung ginagawa ko. 'yung iyak pala nun, hindi pala bumibuild-up kapag nagsasalita siya. Ang totoo palang iyak nun, tapos hindi mo na naririnig 'yung sinasabi niya. ang naririnig mo nalang thoughts mo. Wala ka nang narinig," pagbabalik-tanaw ni Bea.

"After nung nagpropose siya, nasa kotse na kami pauwi, sabi ko 'hon, gawin mo nga ulet. Ano nga yung sinabi mo? Hindi ko na narinig. Ni hindi pa nga ako nag-yes. Niyakap ko siya, hindi pala ako nakapag-yes... Wala na ako sa sarili ko," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa Ivana Alawi YouTube channel

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance. Kabi-kabilang nominasyon at acting awards ang kanyang natanggap na patunay lamang ng husay sa kanyang karera.

Read also

Bea Alonzo sa mga cheater: "It's so 2020, charot! Ay, di pala, so 2019"

Samantala, July 18 nang kasalukuyang taon nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Matatandaang naikwento rin ni Bea ang minsang hindi niya paniniwala sa kasal dala ng kanyang mga karansan. Subalit tila taliwas na ito sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay pag-ibig lalo na at pinaghahandaan na nila ni Dominic ang sarili nilang kasalan na inaasahang magaganap 'di umano sa susunod na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel