Pamu Pamorada, sa mga nagagalit kay Sofia Andres: "For sure ganun din gawain"

Pamu Pamorada, sa mga nagagalit kay Sofia Andres: "For sure ganun din gawain"

- Pinagtanggol ni Pamu Pamorada si Sofia Andres sa mga nagalit matapos nitong mag-post ng cryptic post kamakailan

- Sa pagkumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang paghihiwalay, isa si Sofia sa naghayag ng kanyang suporta kay Kathryn

- Naging usap-usapan ang kanyang cryptic post at mayroong mga nagalit sa kanya dahil dito

- Matatandaang nagkasama sina Kathryn, Sofia at Pamu sa pelikulang "She's Dating The Gangster" kung saan katambal naman ni Kathryn si Daniel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Pamu Pamorada ang mga nagagalit kay Sofia Andres kasunod ng pag-viral ng kanyang cryptic post. Ani Pamu, wala namang ginawang masama si Sofia.

Pamu Pamorada, sa mga nagagalit kay Sofia Andres: "For sure ganun din gawain"
Pamu Pamorada, sa mga nagagalit kay Sofia Andres: "For sure ganun din gawain"
Source: Instagram

Ang tinutukoy nito ay ang post ni Sofia sa kanyang Instagram story kung saan makikita ang isang diamond emoji sa kanyang binahaging litrato ng isang bahay.

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

Wala namang binanggit si Sofia sa naturang post ngunit marami ang naintriga dito. Para kay Pamu, nakakaloka ang mga ito na nagagalit kay Sofia.

Mga nagagalit kay sofia for sure ganun din gawaain.‍♀️ kalokaa kayo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, wala namang masamang ginawa si Sofia.

I mean bkt kyo nagagalit kay sofie? To think na wala nman syang ginawa.

Si Sofia Andres ay isang aktres at commercial model. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga palabas kagaya ng She's Dating the Gangster, Relaks, It's Just Pag-Ibig, Forevermore, Pusong Ligaw at Bagani.

Sa pagdiriwang ng ika-3 kaarawan ng anak nina Sofia at Daniel na si Zoe ng Nobyembre at isang birthday party ang kanilang inihanda. Ginanap nila ang party sa Palazzo Verde. Binahagi ni Sofia sa kanyang Instagram post ang pictures na kuha sa dinaos nilang pagdiriwang. Marami sa mga netizens ang natuwa sa binahaging mga pictures ni Sophia.

Read also

Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self-love

Matapos mag-post ni Daniel Miranda ng picture nila ng anak na si Zoe Miranda kalakip ng kanyang pagbati, marami ang nagkomento at nagtanong kung bakit hindi nila kasama si Sofia. Kasunod nito ay nag-post din si Sofia ng Christmas photo nilang dalawa ni Zoe at hindi din nila kasama si Daniel. Dahil dito ay lalong naging maugong ang espikulasyong may pinagdadaanan ang kanilang pagsasama. Wala pang nilalabas na pahayag ang magkabilang kampo upang kumpirmahin o pabulaanan ang mga lumalabas na intriga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel