Yassi Pressman, Php100,000 ang bayad at maagang pamasko sa nabundol ng kanyang driver

Yassi Pressman, Php100,000 ang bayad at maagang pamasko sa nabundol ng kanyang driver

- Hinangaan si Yassi Pressman matapos na magbigay ito ng maagang pamasko sa nabundol ng kanyang driver

- Dumulog ang umano'y Grab driver na nabundol ng driver ni Yassi sa programa ni Senator Raffy Tulfo

- Ito ay dahil umabot umano sa 11 araw na hindi siya nakabiyahe dahil sa sirang trunk ng sasakyan

- At nang makausap na muli nito si Yassi sa programa ni Senator Raffy, di lamang pampagama ng sira ng kotse ang binigay nito, maging nawalang kita sa 11 araw at maagang pamasko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigyan ng maagang pamasko ang umano'y Grab driver na nabundol ng driver naman ng aktres na si Yassi Pressman.

Yassi Pressman, Php100,000 ang bayad at maagang pamasko sa nabundol ng kanyang driver
Yassi Pressman (Yassi Pressman Facebook)
Source: Facebook

Dumulog sa programa ni Senator Raffy Tulfo ang Grab driver na si Raymart Guinto. Aniya, November 21, nang mabundol ang kanyang minamanehong sasakyan ng isang SUV sa BGC, Taguig City. Ito umano minamaneho ni Domer Rabi, na driver ng aktres na si Yassi Pressman.

Read also

Cristy Fermin kay Karla Estrada sa hiwalayan ng Kathniel: "Sino ngayon ang sinungaling?"

Maayos naman daw umanong kinausap ni Yassi si Raymart at sinabing bigyan lamang siya ng estimate kung magkano ang aabutin ng pagpapaayos ng sasakyan.

Subalit inabot umano ang 11 araw at hindi na makontak ni Raymart si Domer upang masabi na nito ang quotation ng pagpapaayos nang makabiyahe na siyang muli at makapaghanapbuhay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman nagdesisyon nang dumulog si Raymart sa programa ni Senator Raffy kung saan emosyonal nitong isinalaysay ang mga pangyayari.

Sa tulog na rin ng Raffy Tulfo in Action, nakapanayam na rin nila si Yassi na agad namang sinang-ayunan ang halagang Php49,000 sa pagpapaayos ng sira ng sasakyan. Gayundin ang Php22,000 na halaga ng kita sana ni Raymart sa loob ng 11 araw na hindi siya nakabiyahe.

At dahil sa magpapasko na, naisipan ni Yassi na gawin nang Php100,000 ang kanyang ibibigay kay Raymart. Agad itong naibigay kay Raymart, dalawang oras mula nang sila ay magkausap ni Yassi sa programa ni Senator Raffy.

Read also

Ogie Diaz kina Kim at Xian: "Ang nakarating sa atin 'e yung ikalulungkot ng mga fans"

Si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Nito lamang Setyembre, marami ang bumilib kay Yassi sa pagganap nila ni Ruru Madrid sa pelikulang Video City. Isa na rito si Ogie Diaz na pumuri sa kanila at labis umanong nanghihinayang na tila kaunti lamang ang nakapanood nito sa mga sinehan.

Samanatala, isa sa mga maiinit na kontrobersiya tungkol kay Yassi ngayon taon ay ang pagkaka-link umano niya sa presidential son na si Congressman Sandro Marcos. Pinabulaanan naman ito ni Yassi at sinabing wala umano itong katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel