Ogie D, pinuri ang acting ni Ruru Madrid sa 'Video City': "Sinabi ko sa kanya na napakahusay mo"

Ogie D, pinuri ang acting ni Ruru Madrid sa 'Video City': "Sinabi ko sa kanya na napakahusay mo"

- Napuri ni Ogie Diaz ang acting ni Ruru Madrid sa pelikulang Video City kasama si Yassi Pressman

- Ani Ogie, nakalimutan niya si Ruru at ang nakikita umano niya ay ang karakter nito sa nasabing pelikula

- Maging ang kabuuan ng pelikula ay napuri din ni Ogie at talagang napaiyak siya nito

- Labis nga siyang nanghihinayang na hindi gaano umanong na-promote ang movie na sana'y ma-extend pa ang pagpapalabas sa mga sinehan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis-labis ang papuri ni Ogie Diaz kay Ruru Madrid maging kay Yassi Pressman sa pelikula nilang 'Video City.'

Ogie D, pinuri ang acting ni Ruru Madrid sa 'Video City': "Sinabi ko sa kanya na napakahusay mo"
Ruru Madrid (@rurumadrid8)
Source: Instagram

Ani Ogie, tila nakalimutan niya si Ruru at ang tumatak sa kanya ay ang karakter nito sa nasabing pelikula. Ito ay dahil sa galing ng aktor sa pagbibigay buhay sa kanyang karakter.

Read also

Kathryn, pang-best actress umano ang husay sa A Very Good Girl ayon sa mga nakapanood

"Ang husay ni Ruru Madrid at Yassi Pressman. Sobra! In fairness. Kaya 'nung kausap ko si Ruru, sinabi ko sa kanya na napakahusay mo. 'Yung atake niya sa role, di ko naalala na siya si Ruru kundi siya yung character."

Sa kabuuan, maganda rin umano ang pelikula kaya naman ganoon na lamang ang panghihinayang niya na tila kakaunti ang nakapanood nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Actually ako naman ay hinayang na hinayang dahil I'm sure konti lang ang nakapanood ng video city. Ang ganda ng movie para mapaiyak ako ng pelikula na 'yun. Grabe!"

Hiling niya'y magkaroon pa umano ng extension ang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Si José Ezekiel Misa Madrid o mas kilala bilang si Ruru Madrid ay isang aktor at modelo sa bansa. Produkto siya ng reality show ng GMA na Protégé: The Battle For The Big Artista Break. Noong 2016, mas nakilala siya bilang isang Kapuso star sa remake ng teleseryeng Encantadia. Naging bida siya sa seryeng Lolong mula pa rin sa Kapuso network.

Read also

Rendon Labador, natanong ni Ogie D: "Hindi ka kumapit sa bakla?"

Marami ang nagulat sa mga naikwento ni Ruru Madrid sa naging panayam sa kanya noon ni Toni Gonzaga. Isa na rito ay ang panahong hindi pa sila basta makabili ng french fries. Ito pa naman ay ang panahong sumusubok pa lamang siya sa mga auditions.

Matatandaang naging kontrobersyal noon ang hindi agad pag-amin nina Ruru at Bianca Umali sa kabila ng madalas nilang pagpo-post ng mga larawan nilang halos palaging magkasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel