Ruru Madrid, inalala ang panahong hindi basta makabili ng 'french fries'
- Inalala ni Ruru Madrid ang pagkakataon noon na hindi manlang siya makabili ng french fries
- Naikwento niya kay Toni Gonzaga ang kanyang mga pinagdaanan sa pagpasok sa showbiz
- Isa na rito ang mga sakripisyo ng kanyang mga magulang na patuloy na sumusuporta sa kanyang pangarap
- Kaya naman ngayong unti-unti na niya itong naaabot ang tagumpay, sinisiguro niya sa kanyang pamilya na hindi na nila muli mararanasan ang hirap na dinanas noon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naibahagi ni Ruru Madrid ang pagkakataon noon sa kanyang buhay kung saan hindi siya makabili manlang ng french fries.
Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naikwento ni Ruru sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga.
"Naalala ko nga noon, merong time na kasama ko 'yung Dad ko. Gutom na gutom ako, naka-motor kami. Papunta rin kami nito sa audition. Then may nakita akong drive-thru. Sabi ko, gusto ko ng french fries. Then chineck niya 'yung wallet niya. 'Pag check niya ng wallet niya, hindi aabot 'yung fries," pagbabalik-tanaw ni Ruru.
"Naalala ko nasabi ko sa dad ko nun, 'Da, hindi na mauulit 'to. Promise ko, hindi na mauulit 'to. Hindi ko hahayaan na kapag bibili tayo, hindi natin kakayanin bilhin. Kahit sobrang simple lang. sobrang mura lang, hindi na mauulit to. And sinigurado ko 'yan sa sarili ko, I pray every single night pinagpapanata ko 'yun. Gagawin ko lahat ng makakaya para lang mabili 'yung gusto ng pamilya ko," naluluhang nasabi ni Ruru.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:
Si José Ezekiel Misa Madrid o mas kilala bilang si Ruru Madrid ay isang aktor at modelo sa bansa. Produkto siya ng reality show ng GMA na Protégé: The Battle For The Big Artista Break. Noong 2016, mas nakilala siya bilang isang Kapuso star sa remake ng teleseryeng Encantadia. Sa ngayon, siya na ang bida sa isa na namang serye sa GMA, ang Lolong.
Kamakailan, naging matunog ang pangalan ni Ruru matapos na umano'y sawsawan ni 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ang isyu sa umano'y walang label na relasyon nina Ruru at Bianca Umali.
Matatandaang maging ama ni Ruru at nagbigay komento rin sa isyu bilang pagtatanggol sa kanyang anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh