Kathryn, pang-best actress umano ang husay sa A Very Good Girl ayon sa mga nakapanood

Kathryn, pang-best actress umano ang husay sa A Very Good Girl ayon sa mga nakapanood

- Umani ng papuri si Kathryn Bernardo sa husay ng kanyang pag-arte sa pelikulang 'A Very Good Girl'

- Si Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update ang mismong nakasaksi kung paano humiyaw ng 'best actress' ang mga nanood ng red carpet premiere ng pelikula kamakailan

- Ang kagandahan umano nito, hindi nagsapawan sina Kathryn at kapwa niya mahusay na aktres na si Dolly De Leon

- Kabi-kabilang acting awards na ang natamo ni Kathryn na ang pinakahuli nga ay ang gawaran siya ng Outstanding Asian Star sa 18th Seoul International Drama Awards

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis na namang hinangaan ng marami ang aktres na si Kathryn Bernardo sa husay ng pagganap nito sa pelikulang 'A Very Good Girl.'

Kathryn Bernardo, napuri ng marami sa husay niya sa 'A Very Good Girl'
Kathryn Bernardo (@bernardokath/ A Very Good Girl)
Source: Instagram

Nagtungo mismo si Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update sa Red Carpet Premiere ng naturang pelikula at nasaksihan niya mismo kung paano humiyaw ng 'best actress' ang mga kapwa niya nanood ng pelikula patungkol umano kay Kathryn.

Read also

Cristy Fermin kay Kathryn Bernardo: "pataas na nang pataas ang lebel niya"

"Napakahusay ni Kathryn Bernardo saka ni Dolly De Leon. Diyos ko! Umuusok ang social media. Mga director na mismo ang pumupuri sa acting niya na siya daw ay isang legit na aktres. At nagcha-chant yung mga fans pagkatapos ng 'best actress, best actress," Ani Mama Loi.

"Ang galing sobra. Hindi sila nagpatalbugan ni Miss Dolly De Leon. Makikita mo talaga yung bigayan nila," dagdag pa nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Minsan nang napuri ni Ogie Diaz si Kathryn Bernardo at ka-love team nito at real-life sweetheart na si Daniel Padilla. Ito ay dahil sa magkahiwalay na proyektong gagawin ng dalawa. Si Kathryn ang magiging bahagi ng pelikulang A Very good Girl. Habang si Daniel Padilla naman ay may nakalatag din na dalawang pelikulang gagawin. Ito ay ang 'Nang mapagod si Kamatayan' kung saan makakasama niya si Zanjoe Marudo at ang psychological suspense thriller na 'The Guest' kasama si John Arcilla.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Hindi niya kakampi ang panahon"

Isa rin umano si Ogie Diaz sa dumipensa kay Kathryn matapos na kumalat ang video na kuha sa shoot ng kanilang Cinemalaya entry na "A Very Good Girl" kung saan kasama nito si Dolly De Leon. Tulad ng nasabi rin ng Guldbagge Award for Best Actress in a Supporting Role nominee, sinabi ni Ogie na sakaling totoong nagvi-vape si Kathryn, normal lang ito at di na kailangan pang gawing big deal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel