Rosmar, naikwento ang tungkol sa asong may galis na tila simula ng kanyang skincare business

Rosmar, naikwento ang tungkol sa asong may galis na tila simula ng kanyang skincare business

- Naikwento ni Rosmar kung ano ang kaugnayan ng asong may galis sa pagsisimula niya ng animo'y skincare business

- Ito ay dahil sa Madre cacao shampoo na kanyang ginawa upang mapagaling ang galis ng inampong aso

- Maging si Toni Gonzaga ay nagulat nang sabihin pa ni Rosmar na Php50 lang halos ang kanyang puhunan sa produktong naibebenta niya ng hanggang Php1000 ang isa

- Sa ngayon, maituturing na isa sa matagaumpay na CEO ng skincare products si Rosmar bukod sa pagiging isang content creator

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naikwento ni Rosmar Tan Pamulaklakin sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ay kung paano ang isang bulldog na may galis ang siyang tila naging hudyat ng kanyang skincare business.

Rosmar, naikwento ang tungkol sa asong may galis na tila simula ng kanyang skincare business
Rosmar Tan Pamulaklakin (Toni Gonzaga Studios YouTube)
Source: Youtube
"'Yung bulldog po, gusto na ngang i-mercy killing kasi wala na raw pong pag-asa ganun."

Read also

Matteo G, naikwento ang mga dating kasambahay na ginawa nilang head chefs sa kanilang resto

"So, 'yung doktor na po na 'yun doktor naman po ng tao, pinaampon niyo po sa akin tapos sabi niya try mo 'yung dahon ng madre cacao. Tumawag agad ako kay Papa, sabi ko Papa pagpitas mo ako ng maraming dahon ng madre cacao dali ibebenta ko. Parang, oo gagamutin ko 'yung aso pero mindset ko na sobrahan niya yung dahon kasi nga ibebenta ko."

Naikwento niyang na-bash pa siya noon nang subukan niyang ibenta ang dahon ng madre cacao.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit ito ang tila naging hudyat upang paghusayan pa niya ang animo'y marketing strategy niya sa pagbibenta at doon niya naisip na gawin itong shampoo at tawaging 'Mysterious Madre Cacao.'

"Ah nagsimula ang skin care sa bulldog, sa aso," ang reaksyon naman ni Toni kay Rosmar lalo na nang sabihin nitong epektibo at nakagaling nga sa skin problems ng aso ang kanyang produkto.

Read also

Cristy, lakas-loob na nasabi ang edad at pangalan ng umano'y mga anak nina Coco at Julia

Mas lalo pa umanong namangha sa kanya si Toni nang malamang sa Php50 na puhunan niya noon, naibebenta niya ang produkto ng hanggang Php1000 ang isa.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Toni Gonzaga Studios YouTube channel:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage.

Sa ngayon, isa na siyang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters. Naglabas pa ng single si Rosmar kung saan kasama pa niya ang kanyang mister na si Nathan. Naging kontrobersyal ang naturang kantang "Manalamin" dahil sa lyrics nito. Sa ngayon, mayroon nang milyon-milyong views ang music video nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica